Sunday , December 22 2024

Kris Aquino, ginamit si Gov. Vilma Santos para inisin ang Noranians?

070414 kris aquino vilma santos

ni Nonie V. Nicasio

MAINGAY pa rin ang isyu hinggil sa maling spelling o grammar sa card kasama ng ibinigay na ensaymada ni Governor Vilma Santos kay Kris Aquino. May mga pumuna na karamihan ay netizens, nang i-post ni Kris sa kanyang Instagram account ang ensaymada kasama ang card na mali nga ang pagkakasulat ng dedication.

Pero agree ako sa mara-ming nagsasabi na hindi dapat i-bash si Gov. Vi dahil lang dito, dahil napakaliit na bagay lang nito. Actually, sa pananaw ko, si Kris Aquino ang nagkamali ng judgment nang ipamarali pa niya ang card sa kanyang Instagram. Ang resulta tuloy nito, iyon na nga, may ibang nag-bash sa social media sa masipag na gobernadora ng Batangas.

Although lately, marami rin ang pumupuna sa ginawang ito ni Kris. Ayon sa mga netizens, alam naman daw ni Kris na may mali sa dedication card ni Gov. Vi, imposible raw na hindi ito mapansin ng tinaguriang Queen Of All Media and yet, ibi-nando pa rin niya ito sa Instagram.

Ano raw kaya ang motibo rito ng aktres/TV host?

Kung tutuosin, puwede naman hindi na ipinakita pa ni Kris ang card ni Ate Vi at iyong ensaymada na lang ang inilagay niya sa IG with matching thank you note para kay Gov. Vi kung talagang inirerespeto niya ang Star For All Season. Pero hindi ganito ang ginawa ni Kris at iyon na nga, na-bash si Gov. Vi dahil sa kagagawan ni Kris.

Haka-haka tuloy nang marami, lalo na nang ilang Noran-ians, intention marahil ni Kris na mag-ingay at asarin na rin ang mga tagahanga ng Superstar dahil sa pambabatikos nila sa gobyerno, lalo na kay Pnoy dahil sa pagkaka-etsapuwera kay Ms. Nora Aunor bilang National Artist ng bansa.

Kung susuriin ang IG post ni Kris, sinasabi ng iba na may parunggit daw dito para sa Superstar. Ganito ang nilalaman ng caption ng IG post ni Kris matapos siyang padalahan ng ensaymada ng Batangas governor, “Super sarap Ensaymadas from my Idol sa trabaho, serbis-yo publiko & sa pag handle ng personal na buhay, sa pagiging mabuti at mapagmahal na asawa at nanay! Thank You Ate Vi!

May patama nga ba rito kay Nora?

Anyway, suspetsa pa ng iba na layunin ng iba’t ibang isyung pinalulutang-pati na ang National Artist award involving Ms. Aunor at ang kontrobersiyal na note sa ensaymada ni Gov. Vi, para matabunan daw ang malalaking isyu ng bansa tulad ng pagiging unconstitutional ng DAP na naglalaro sa tuma-taginting na P157 bilyon ang pinag-uusapang pondo ng gob-yerno, ang pagtaas ng gasolina, pasahe, koryente, mga pa-ngunahing bilihin tulad ng bigas, asukal, de lata, bawang, mga gulay, at iba pa.

Pati nga raw ang balitang posibleng pagtama ng intensity 8 na lindol sa Metro Manila ay diversionary tactics lang para hindi mapansin ng kaawa-awang sambayanang Juan dela Cruz ang garapalang kabuktutang nangyayari sa ating lipunan. Paano nga kaya nila nalaman iyon, nape-predict na ba ang lindol?

Tsk, tsk, tsk, kawawa talaga ang mga Pinoy. Ano kaya ang masasabi rito ni Pnoy?

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *