Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Notoryus Korean Mike Kim umaatungal na parang toro sa galit

UMAATUNGAL daw na parang torong kinakapon ang kupal at notoryus na Koreanong si MIKE KIM sa sunod-sunod na banat sa media na kanyang inaabot.

Kung sino-sino na raw Herodes na kapwa niya kupal ang nilapitan para sa ‘damage control’ mula sa media blitz na inaabot niya.

Nagbanta pa ang ilang Pinoy dummies ni KIM na ipai-entrap sa NBI ang mediamen-columnists na umuupak sa kanya.

Nadadamay na umano sa mga katarantaduhan ni KIM angSOLAIRE Resorts and Casino at dalawa sa matataas na opisyal nito na si Dacer/Corbito kidnapping/murder suspect ex-Colonel Michael Ray Aquino at Atty. Marcelino Arias.

Si Aquino ang head ng Security Department ng SOLAIRE samantala si Atty. Arias naman ang hepe ng Legal Division.

Pero para sa impormasyon ng kupal na si KIM, hindi lamang ang SOLAIRE, sina Aquino at Atty. Arias ang nai-eskandalo kundi pati na ang mga ahente ng NBI atBureau of Immigration na nagbibigay proteksyon sa Koreanong ilegal na nagnenegosyo sa bansa.

Bakit hindi hinahabol ni BIR Comm. Kim Henares ang tarantadong Koreano?

Lumutang na ang pangalan ng isang nagpapakilalang NBI agent ROXAS na umano’y siyang TONGPATS ni KIM saNBI nang pilitin niyagn arborin ang kasosyong drug lord na si Mardeep Narang alias Singh, isang Indian national na may US citizenship makaraang masakote ng bureau sa isang buy-bust operation sa mismong loob ng Solaire Hotel.

Hanep naman talaga!

To complete the whole picture SILG Mar Roxas, nandiyan pa rin sa tabi ni KIM ang isang alyas GERRY ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may ilang taon na rin naninilbihan bilang police bodyguard ni Kim.

Ano ba ito CIDG Chief Gen. Benjie Magalong sir?

May blessings mo ba ang pagtatalaga ng police bodyguards sa tarantadong Koreano?

May kasunod…abangan!

1602 SA QC, PASIG AT MANDALUYONG CITY

Sa Quezon City pa rin, bukod sa prostitusyon, talamak din ang ilegal na sugal na lotteng at jueteng na kataka-takang hindi napapansin ng ating kaibigan na si General Richard Albano .

Promotor ng mga kagaguhang ito sina MOTOR, VER BICOL, DON RAMON at ang walang kakupas-kupas na si TONY FRANCISCO.

Nakalatag din ang mga salot na makina ng VK ni REY RECTO.

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating idol na si General Albano?

Sa Pasig city naman talamak ang lotteng at video karera nina Cris, Rose at Laarni na protektado ni alyas “Bobby.” Nasa Mandaluyong naman ang bookies ng karera ni Abet Alvaran.

Nabubukulan o nabubulunan sa intelihensiya?

Pakisagot nga po SILG sec. Mar Roxas ??

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “Target On Air” Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag-txt sa sumbong o reklamo 09278781771 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …