Sunday , December 22 2024

“Guests” sa PNP Custodial Center, lolobo

PRIORITY Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na “pork barrel.”

Kamakailan ay idineklara ng Supreme Court na ilegal ang pork barrel. Ibig sabihin ay matagal nang pinagloloko ng mga pinagboboto natin mga mambabatas ang mga nagpaupo sa kanila.

Napakaimposibleng lingid sa kaalaman ng mga mambabatas na ilegal ang pork barrel. Nasabi natin ito dahil magagaling at matatalino sila. Oo feeling lang nilang magagaling sila. Pero saan ba sila magagaling? Sa pagnanakaw? Nagtatanong lang naman po tayo at hindi nag-aakusa.

Hayun, nabukong ilegal ang pork barrel nang lumantad ang kontrobersyal na si Benhur Luy bagamat hindi naman hinggil sa kailegalan ng pork barrel ang ikinanta ni Benhur kundi ang ‘paggamit’ sa pork barrel sa mga sinasabing pekeng non-government organizations na pag-aari raw ni Janet Napoles kasabwat ang ilang mambabatas.

Heto nga e, dalawang Senador na ang nakakulong ngayon hinggil sa maling paggamit ng ilegal na PDAF. Pero hindi pa naman napapatunayang kinasabwat nina Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla si Napoles.

Bukod dito, pinabulaanan ng dalawang mambabatas ang akusasyon laban sa kanila bukod pa sa pagsasabing hindi nila kilala o hindi sila nakipagtransaksyon kay Napoles.

Ang masaklap lang, tila pili ang kinakasuhan ng gobyernong Aquino hinggil sa maling paggamit ng PDAF. Mga kalaban lang sa politika ang tinuluyan pero ang mga kapanalig ng gobyerno ay hindi kinasuhan tulad ni Budget Secretary Abad.

Ikaw na ang may hawak ng alas laban sa Palasyo. Iyan lang naman ay kung mayroon. Pero ang sabi naman ng Malacañang ay walang sapat na ebidensiya na magdidiin kay Abad.

Wala nga ba? Wala nga raw. Sabi nila!

Ano pa man, mukhang ang hindi nakangingiting si Sen. Jinggoy ay nakangingiti na ngayon. Bakit? Paano kasi, tila pipila rin sa pintuan ng custodial center ng PNP sa Kampo Crame ang ilang taga-Palasyo.

Oo hindi para dalawin sina Jinggoy at Estrada kundi ‘makikitira’ rin sila sa Crame.

Makikitira ang ilang taga-Palasyo sa ‘palasyo’ nina Bong at Jinggoy kapag nagkataon lalo na’t lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ni Pangulong Pinoy.

Sabi ng Korte Suprema, ilegal din ang DAP. Obvious naman po ‘di ba? Kung ang PDAF nga na matagal-tagal nang ilegal, ang DAP pa kaya.

Paktay kayong mga taga-Palasyo lalo na ang mga nagsabwatan sa pag-apruba sa DAP. Lagot!

So ilegal ‘yan…so ibig sabihin, mananagot ang mga nasa likod ng DAP kaya, kailangan paghandaan na ang mga kulungan para sa mga bugok na nasa likod na DAP.

Marahil maging si dating Pangulong GMA ay nakangiti na rin ngayon. Tiyak na batid na niya ang puwedeng mangyari sa mga susunod na araw sa mga nakaupo sa Palasyo.

Naalala ko, heto na rin yata, oo heto na yata iyong sinabi ni Jinggoy sa kanyang talumpati…pagbibigay ng DAP matapos pagdesisyonan ng mga mababatas sa Senado ang paghatol kay Justice Corona para masibak.

Wala talagang puwedeng maitago sa dilim, kahit na anong gawin pagtatakip sa isang nakasinding kandila sa kalagitnaan ng kadiliman …

O PNoy, NoyP, paano ba iyan, ilegal daw ang DAP mo!

Kaya, dapat nang simulan ang pagpapaayos ng custodial center sa Crame. Darami nang kakosa. Kung hindi ngayon, marahil ay pagkatapos ng 2016 presidential elections.

Lagot!

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *