Tuesday , November 5 2024

‘Paihi’ sa Bataan, ba’t hindi kaya ng Bataan PPO?

PAMAHAL nang pamahal ang mga produktong petrolyo ngayon – grabe kung magtaas ang mga gasolinahan. Mapagasolina at krudo, ang lahat ay dumaraing na pero tila walang aksyon ang gobyerno hinggil dito at sa halip tanging palusot ang kaguluhan ngayon sa Iraq.

Mataas na nga ang mga produktong nabanggit, ewan ko naman kung bakit mayroon naman ang Pinoy na masyadong tinatarantado ang kanilang mga amo partikular na ang mga driver ng mga trak na bumibiyahe sa Bataan. Kanilang ibinebenta ang krudo ng kanilang mga trak sa sindikato na kumikilos sa lalawigan. Hindi lang trak kundi mga tanker din na nagdadala ng krudo ang nagbebenta ng naturang produkto sa mga sindikato ng ‘PAIHI’ sa highway sa Bataan.

Sa info na ipinukol sa inyong lingkod, talamak ang operasyon ng ‘paihi’ sa lalawigan na nakapagtatakang hindi man lang inaaksyonan ng PNP Bataan Provincial Office sa kabila na lantaran ito. Bakit nga ba tameme kayo Sr. Supt. Atienza, Bataan PPO director.

Ano sa tingin mo ang dahilan ha alyas “Mike Berdugo?”

Heto ang mga inirereklamong nagpapatakbo ng paihi sa lalawigan:

Si alyas “Pedrotado,” ang kanyang teritoryo ay sa Barangay Alangan sa bayan ng Limay habang si alyas “Normatuks” naghahasik ng kadiliman naman sa Baragay Puting Buhangin, Orion. Kasabwat niya sa “negosyo” ang isang alyas “Malene- Ongas.”

Teritoryo naman ni alyas “Bogs Toyo” ang Barangay Toyo sa bayan ng Limay din.

Malakas ang loob ng mga kumag dahil kay alyas Mike Berdugo na sinasabing kumokolekta ng linggohang parating sa mga nagpapaihi para sa mga tiwaling opisyal ng Bataan PPO.

Samo’t saring komento at reklamo

“Ano pa ang inirereklamo nila, nakasuhan na nga sila ng plunder, VIP treatment pa sila. Ang dapat ay isama sila sa kulungan ng mahihirap na minsa’y nagtiwala sa kanila.” Mark ng Ilagan, Isabela (0922467—)

“Para daga lang, takot na si Sen. Bong Revilla lalo na siguro kung ikulong siya sa totoong piitan. Kunsabagay, marami na rin nagkasakit o namatay dahil sa daga. Pero idol Bong, malulusutan mo iyan. Ikaw pa at naniniwala akong biktima ka lamang ng 2016 presidential election.” Sir ‘wag niyo na po ilagay ang name and my cp number ko. D2 e2 sa Montalban, Rizal.

“Sir Almar, kaya pala ng gobyerno ang magpagawa ng maayos na kulungan. Dapat din ayusin ni Pangulong Pinoy ang mga piitan na nasa ilalim ng BJMP. Kawawa naman ang mga nakapiit dito na mayroon din karapatan magkaroon ng maayos at malinis na kulungan.” Raymond ng Pangasinan (0927444——)

“Sir Almar, minsan n’yo na ako natulungan sa reklamo ko noon sa SSS, nasa Bulgar po kayo pa noon. Gusto ko sana ipaabot sa kinauukulan ang talamak na tulakan ng droga dito sa Malolos. Mabuhay ka sir Almar.” Ricky M. (0921231——)

“Kahit nasa kulungan ang mga senador na may kasong graft at plunder, mas mahalaga ang maibalik sa gobyerno ang kanilang “kickbacks” sa pork barrel.”-0908878——)

“Palagay ko hindi ang malaking multa ang nakareresolba sa kolorum. Lagi naman silang nagmumulta araw-araw at nakokotongan ‘di ba? Kasama na ‘yan sa hanabuhay nila. Meron nga d’yan bus operator na milyon daw buwanan ang patimbre kaya malayang nakatatakbo ang mga bus nila. Baka ang maganda e alisan ng prangkisa ang mga bus at kanselahin ang lisensya ng mga driver. Mababawasan ang mga bus at driver na iresponsable sa lasangan.” (Number withheld)

***

Para sa inyong reklamo, komento, suhestiyon, at panig, magtext lang sa 09194212599

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *