HANGGANG ngayon maraming Customs employees ang patuloy ang agam-agam at nagtatanong kung ano raw ba talaga ang kanilang hinaharap o magiging future sa BoC.
Kung may security of tenure pa sila o wala na? Do they still have their rights and protection under Pnoy administration?
Pakiramdam kasi nila inilagay ang mga bagong opisyal sa customs for one purpose only, to search and destroy them.
‘Yun ilang BoC employee na parang wala nang nakikitang magandang kinabukasan sa Customs ay minabuti na lang na mag-early retirement o mag-resign na lang kaysa nga naman maitapon o malagay pa sa floating status sa CPRO.
Most of the BoC employees are trying to do their job right, but the problem is even they’re going straight now, they are still tainted as corrupt Customs employee.
Ang tanong, kung magtagumpay ang reporma ng administrasyon sa BoC sa pamamagitan ng computerization, anong mangyayari sa mga empleyado ng Customs?
Itatapon este ia-assign rin ba sa CPRO?
Ricky “Tisoy” Carvajal