Saturday , November 23 2024

Nakaaawa ang hindi corrupt sa BoC

HINDI naman tayo kumokontra sa reporma sa Customs, dahil marami naman talagang garapal sa Bureau of Customs noon pero binago ni Pangulong Noynoy dahil nakita niya kung gaano kagarapal ‘yung ilang dating opisyales diyan.

Pero dapat ‘yung mga inutusan ni Pangulong Noynoy na mag-ayos ngayon sa Aduana ay kailangan may puso rin sa mga lumalapit sa kanila.

Unang-una nakaaawa ang mga BoC rank and file employees lalong-lalo na ‘yung mabababa lang ang katungkulan na hindi naman nagnakaw sa Bureau of Customs at mga nangungupahan lamang hanggang ngayon.

Ako ay hindi naniniwala na lahat ng mga taga- BoC ay corrupt lahat kaya saludo ako kay Pangulong Noynoy dahil ‘yung mga itinapon sa CPRO ay sobra-sobra naman talaga ang kanilang mga kayamanan pero gusto kong linawin na hindi lahat ng mga inilagay sa CPRO ay corrupt.

Marami pa rin matitino roon na nadamay lamang.

Ako ay naniniwala na sa bandang huli ay malilinawagan din ang mga namumuno sa Bureau of Customs para ibalik ang mga dapat ibalik sa kanilang dating posisyon sa BoC.

Sa totoo lang malaki na ang ipinagbago ng BoC ngayon, kaya lang halos lahat ng negos-yante ay nagrereklamo dahil sa sobrang taas ng kanilang binabayarang buwis at storage.

Naniniwala pa rin ang nakakarami na mas marami pa rin corrupt sa ibang ahensiya ng gobyerno na hindi napapansin ni PNoy, gaya ng DPWH, DEPED, DA, PAGCOR, PNP, AFP. Kumbaga sa barko lubog na ang BoC.

May nagsabi sa akin na ang Bureau of Customs ngayon ay isa nang tinatawag na bureau of nothing, kaya sana ang ilagay nila sa CPRO ay ‘yung mga anay pa rin na natitira sa BoC na dapat sila ay nagdurusa kagaya ni Parohinog.

Malapit na naman ang SONA at diyan mo maki-kita kung gaano kalawak ang accomplishment ni Pangulong Noynoy lalong-lalo na ‘yung tinatawag na PDAF scammers na ngayon nasa kulungan na sina Sen. Jinggoy, Sen. Bong at siguro ay sasama na rin si Manong Johnny kung mapapatunayan na kasabwat siya talaga.

Kaya ito lang ang masasabi ko sa lahat ng nasa kapangyarihan, huwag na huwag gamitin ang inyong posisyon para mang-apak ng kapwa at abusuhin at kunin ang yaman ng ating bansa.

Tandaan natin ito huwag tayong mananakit ng damdamin ng kapwa dahil pana-panahon lang ‘yan at lahat ay may hangganan at babalikan tayo ng universal karma.

Kahit na graduate ka pa sa malalaking unibersidad, nagtapos ka ng masteral at doctorate, pinakamatalino ka, taga-Harvard ka pa, kailangan buksan mo ang iyong puso dahil isa ka rin nilalang sa ating bansa at kailangan mo rin ang pang-unawa at pakinggan ang mga dapat na pumapasok sa opisina at gawin ang karapat-dapat.

Minsan ay hindi ko na maintindihan ang ginagawang reporma sa BoC.

BoC Comm. John Sevilla, sana ay bigyan mo ng kapangyarihan ang mga Deputy Commissioner mo na sila na ang humarap sa mga umiiyak, nasasaktan, nadadamay sa reporma.

Saan ka nakakita na ang pamilya nila ay nasa Maynila tapos ay ia-assign sa Appari, Cagayan, Cebu, Mindanao o kung saan mang sulok na malayo sa kanilang pamilya na kakarampot lang ang sweldo. mantakin ninyo 8 thousand na nga lang ang sahod nila tapos doon pa ilalagay? Saan sila kukuha ng pang-upa ng bahay at pangkain nila?

Hindi naman lahat ng taga-Customs, iimbestigahan at ila-lifestyle check ang mayayaman sa BoC.

Sa mga gumagawa ng kabutihan sa BoC, saludo po ako sa inyo at sa mga mapagmataas at malakas manira, at malakas kumita, may panahon pa para kayo magbago.

Isa sa hina-hangaan at pinupuri natin sa Customs na talagang tumutulong sa mahihirap at may puso sa kapwa ay walang iba kundi si BoC Depcomm Ariel Nepomuceno ng Life Oil Malunggay.

’Yan ang dapat tularan n’yo!

***

Mabuhay at salamat kay ALAM (Alab ng Mamamahayag) national chairman Jerry Yap sa accident death insurance hindi lang sa miyembro ng ALAM kundi sa iba pang mamamahayag sa bansa, isa ang MPD Press Corps na unang nabiyayaan ng programang ito.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *