Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang estudyante na naman ang patay sa hazing!

MATIGAS ang ulo!

Isa na namang estudyante ang nasawi sa hazing.

Ito’y ang 18-anyos na si Guillo Cesar Servando. Estudyante ito ng De La Salle-College of St. Benilde (sa Taft Avenue, Manila) sa kursong Hotel Restaurant and Management (HRM).

Bukod kay Servando, may tatlo pa itong ka-klase na kasama sa hazing at ngayo’y nakaratay sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa mga tinamong palo at bugbog sa katawan.

Ang mga ito ay sumailalim raw sa initiation rites ng Alpha Kappa Rho (AKRHO).

Marami nang estudyante ang namatay sa hazing.

Noong Hulyo 2012 namatay si Marc Andre Marcos ng San Beda College sa pinagdaanang initiation rites sa kamay ng mga miyembro ng Lex Leonum fraternity.

At kamakailan lang isang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang humingi ng tulong nang maging biktima ng hazing ng dalawang cadet officers ng Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Kung bakit naman kasi kailangan pang dumaan sa grabeng physical na pagsubok ang gustong maging kaanib ng fraternity. E mas maige na gawing sukatan para sa kapatiran ang talento kesa pagpapaluin o bugbugin, right?

Paano ngayon yan? Namatay ang isang gustong maging miyembro ng AKRHO? Paano pa madadagdag sa grupo nila ito e patay na?

Ang isa pang kawawa rito ay ang mga magulang ni Servando. Tiyak nagluluksa sila ngayon ng todo sa pagkawala ng isa sa dalawang supling nila.

Ang titigas kasi ng ulo ng mga bata ngayon. Makaka-graduate naman kayo ng college ng walang fraternity. Aasenso rin naman kayo ng walang tulong ng kapatiran. Kaya huwag na kayong padadala sa masasarap na salita ng mga naghihikayat sa inyo na maging kaanib ng anumang kapatiran. Mag-aral nalang ng mabuti. That’s it!

Hirap kumuha ng claim

sa SSS-Manila

– Sir Joey, report ko lang po itong SSS sa Maynila. Bakit po napakahirap mag-claim ng burial pati sa medical? Ilang pabalik-balik na po kami dyan. Di na po malaman kung saan kami kukuha ng pamasahe sa pagpuntan sa SSS. Lahat ng requirements naibigay na namin. Nangutang na po kami para makakuha sa NSO na kailangan ng SSS. Pero buwan na ang inabot wala parin. Bakit po ganun? Baka naman may anomalya rin po sa SSS katulad ng PDAF? Sana magkaroon ng action. Nakakatamad nang maghulog ng SSS. – 09227425273

O, SSS-Manila, paki-check nyo ang detalye kung ano ba talaga ang problema at bakit hirap mag-claim ng burial at medical ang texter kong ito.

Reklamo pa sa SSS-Binondo

– Report ko po ang mabagal na serbisyo sa SSS-Binondo (Manila) branch. Napakatagal nilang magproseso ng mga papeles ng mga miyembro ng SSS. Ang aming adjustment ay na-file namin ng March pero hanggang ngayon ay wala pang kalinawan kung may-pag-asa kami o wala. Pinapabalik-balik lang kami sa Binondo. Sobrang suplada pa ang nakapuwesto sa window No. 08 sa mga senior citizen. Bakit ba matagal? Sana po mga senadores at mga kongresista paki-kalampag po naman ang style pagong ng mga empleyado ng SSS-Binondo. Salamat. – 09193361901

Gustong ipahuli ang adik

na pamangkin

– May pamangkin ako na lulong na masyado sa droga. Advise ko: ‘baka kayo mahuli?’. Katuwiran nya, user lang sya at hindi tulak. Walang makukuha ang pulis sa kanya. Tama ba sinabi nya na kapag user hindi dinadakip para mapreso? Problema ay naubos mga gamit namin sa loob ng bahay. Kapag pinagalitan namin, madalas minumura kami at nagbabanta na papatayin kami. Hindi kami nakatutulog. Hindi pala nakukulong ang mga user lamang dahil walang batas. – 09482817…

May paraan ang mga pulis para makulong ang mga adik lamang. Maari nyo rin ipa-rehab yang pamangkin nyo. Lumapit kayo sa DSWD.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …