Tuesday , November 5 2024

P500-M initial pledge ng Jueteng king para sa LP sa 2016 presidential elections (PNP offical ‘binasbasan’ din para maging next PNP chief)

KINOMPIRMA ng ating source ang naging pagkikita ng jueteng lord na si PINEDA sa isang mataas na opisyal ng Liberal Party (LP) sa coffee shop ng Intercon Hotel sa Makati City.

Naganap  umano ang pagkikita ni Mr. Cabinet Man at ni Pineda isang Biyernes ng umaga, kasama pa ng dalawa ang isang PNP general na iniulat  na may personal na away umano kay PNP chief Gen. Alan Purisima.

Eleksyon sa 2016 ang main topic sa nasabing meeting at iniulat na nag-pledge ng P500 milyon ang binansagang HARI ng JUETENG sa campaign coffer ng Liberal Party.

Ayon sa source, initial pledge pa lamang ito at may malaking posibilidad na madagdagan pa pagsapit ng halalang nasyonal.

Direktang makikinabang sa tulong na ito ni PINEDA si DILG Secretary Mar Roxas na sigurado umanong magiging standard bearer ng LP sa pagka-Pangulo.

Sa meeting din na iyon ibinaba kuno ang basbas sa PNP GENERAL para maging susunod na PNP chief sa pagreretiro ng nakaupong hepe ng pambansang pulisya na si PDG Alan Purisima.

Si General daw ang ‘choice’ ng Liberal Party para maging next PNP chief.

Grabe naman pala talaga ang kamandag nitong si Pineda, hindi lamang pala ‘presidential’ elections ang pini-finance nito kundi maging pagtatalaga ng magiging hepe ng PNP.

Si Pineda  rin umano ang naging dahilan kung bakit halos hindi na raw nagkikibuan si DILG Sec. Mar Roxas at PNP chief Alan Purisima.

Dahil nga ba sa ‘bukulan blues’?

Wala talagang kakupas-kupas si Boss Pineda!

Siya pa rin ang certified KING MAKER ng Pilipinas. Ang nagagawa nga naman ng jueteng money!

Sandamakmak na jueteng money na pinapala lamang sa mansion ni Pineda diyan sa Pampanga.

PAIHI SA BATAAN, IKINAKABIT ANG PANGALAN NI GEN. PETRASANTA?

Grabe naman at tila hindi na kapani-paniwala ang isyu tungkol dito sa kaibigan nating si PNP Region 3 Director Raul Petrasanta.

Dahil komo numero unong kandidato sa pagka-PNP chief, lahat na ‘ata ng akusasyon at paninira ay ipinupukol kay Gen. Petrasanta.

Pati na ang PAIHI operations sa Bataan ng mga tarantadong sina PEDRO VELASCO ng Barangay Alangan sa bayan ng Limay, NORMA AQUINO at  MYLENE ng Barangay Puting Buhangin. Orion at BOGS VIOLAGO ng Barangay Toyo sa Limay pa rin.

Ang hari ng paihi sa Bataan na si alias MEL SANTOS.

Bakit pati ilegal na paihi ay ipinupukol pa rin kay  Petrasanta  gayong may provincial director (PD) naman ang probinsiya ng Bataan sa katauhan ni S/Supt. Audie Atienza na dapat sana’y alerto sa paghuli sa mga ganitong ilegal na gawain?

Paging Bataan Governor. Albert Garcia sir, pakisakote nga po ang mga pasimuno ng ‘PAIHI’ diyan sa bayan ng Limay at Orion.

Tutulog-tulog daw po kasi sa pansitan ang inyong PD na si Colonel Atienza?

Tutulog-tulog nga ba o busog na busog sa entrega ng isangMIKE BAYBAYON alyas BERDUGO?

Ang PAIHI po ay pagnanakaw ng isang sindikato mula sa mga trak ng LPG, gasolina o krudo para ibenta sa mas mababang presyo sa merkado.

Kasapakat po ang mga driver at pahinante ng trak sa sistemang ito. Sa mga liblib o kubling lugar kadalasan ito nangyayari ngunit hindi ito lingid sa kaalaman ng matatalas at matutulis na operatiba ng kapulisan ni Colonel Atienza.

‘Wag na po ninyong isabit si General Petrasanta sa isyu ng PAIHI dahil walang maniniwala.

Made na para maging hepe ng PNP ang ating kaibigang heneral kaya nga kahit sa isyu ng mga ibinenta kunong AK47 rifles sa NPA ay hindi magiba si Petrasanta dahil napatunayang hindi totoo at intriga lamang.

Hindi ba General Benjamin Magalong sir?

Tanggapin na natin sa buhay ng tao ay talagang weather-weather lang!

May kasunod…ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *