Saturday , November 23 2024

Kung ‘house arrest’ kay Enrile, dapat si GMA rin…

IGINIGIIT ngayon ng mga abogado ni Senador Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan na e-house arrest nalang ang 90-anyos na mababatas.

Marami na raw kasi itong nararamdaman sa katawan dahil sa kanyang edad.

Aba’y kung papayagan ng graft court na sa kanilang bahay nalang ikulong si Enrile, dapat payagan din si ex-President at ngayo’y Lubao, Pampanga Congresswoman Gloria Macagapal-Arroyo na iuwi narin sa kanilang tahanan dahil lolang lola narin ito at marami naring sakit sa katawan.

Si GMA ay 67-anyos na. Akusado rin siya ng kasong plunder kaugnay ng PCSO fund scam. Naka-hospital arrest siya ngayon sa Veterans Medical Memorial Center (VMMC) sa Taguig City.

Kung tutuusin, mas matibay daw ang ebidensya laban kay Enrile sa P10-B pork barrel fund scam kesa kay Gloria. Pero hindi pinayagan ng Sandiganbayan na makapag-piyansa ang dating pangulo at sa halip ay pinaburo ito sa hospital.

Sa ganang akin, puede si Enrile sa hospital arrest dahil may precedent na rito, si GMA.

At kapag pinagbigyan si Enrile sa house arrest, hindi lang si GMA ang aalma, tiyak hihirit din sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla na ngayo’y nakakulong sa PNP Camp Crame.

Sina Estrada at Revilla ay kasama ni Enrile sa mga kinasuhan ng plunder at graft sa pork scam sa Sandiganbayan.

Tutukan natin ang kasong ito. Dahil pera mo, pera ko, pera nating taxpayers ang ibinulsa nila rito.

DILG ipatigil nyo na mga seminar ng LGUs sa malalayong lugar

– Mr. Venancio, nananawagan po tayo kay DILG Secretary Mar Rojas na sana patigil na nya ang mga seminar na pinatutupad sa LGU employees at mga barangay officials sa malalayong lugar at expensive hotels. Puede naman mag-seminar sa mga city o municipal hall. Bakit kailangan pa sa malayo gaya ng Subic, Tagaytay, Baguio, Cebu o Palawan? Tapos ipapasa rin ang gastos sa kanila sa halagang P15,000 per participant. Sobrang pahirao ito sa kaban ng bayan. Action naman Mr. Secretary Roxas. – Concerned LGU employee (09156525…)

May tama ang ating texter. Bakit nga ba sa malalayong lugar pa nagsasagawa ng seminar gayung puede naman sa city o municipal hall? Bukod sa tipid na, hindi pa pagod sa biyahe. Kaya sang-ayon tayo siyento porsiyento na itigil na ang mga seminar sa malalayong lugar.

Grabe as in talamak ang holdap at snatching sa Recto-Divisoria

– Paging PNP Chief Allan Purisima. Grabe as in talamak na ang holdap at snatching sa kanto ng Reina Regente at Recto sa may Divisoria. Baka gusto mong tingnan ang mga blotter book ng mga nagkalat mong walang silbing presinto sa lugar. Balita pa na mismong mga pulis mo ang may kilala at nagpakawala sa mga gagong holdaper at isnatser sa lugar. Kilos na agad, sayang ang puwesto mo, PNP Chief! – 09206051…

Bago si Chief PNP Purisima, si MPD Director Asuncion ang dapat tawagan dito. General, Sir!, totoong totoo po ang report na ito ng ating texter. Grabe na ang snatching dyan sa Recto. Mga alaga raw yan ng mga gagong pulis. Maging sa Avenida Rizal, Sta Cruz ay naglipana rin ang snatcher/holdaper. Action!

Mga holdaper na pulis

– Magandang araw. Comments lang po. Tama po kayo. Pano nga naman hindi pasisinungalingan na bumaba na ang krimen sa ating bansa e halos kapulisan din ang nagpapasimula sa krimen. Sila pa ang nangunguna sa panghoholdap gaya nalang nina PO3 Fred Tolentino, PO1 Jas Dominguez, PO3 Ed Cayabyab. Puro sila mga holdaper. Pero hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang nga gagong kapulisan na ito. Nakasisira sila sa mga katulad naming nagtatrabaho ng maayos sa lipunan. Ginagamit pa nila ang kanilang uniporme para makapangholdap. Pare-pareho sila ng istelo, puro mga foreigner hinoholdap nila. Sana hindi nila kasabwat ang mga opisyal na matataas. Pero posible kasabwat dahil hindi nila ginagawan ng paraan para makulong mga ito. Kilala naman nila mga ito e.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *