Tuesday , November 5 2024

Tuguegarao Mayor Soriano, pakitulungan ang mga S.C. vs drug stores

MARAMI na rin tayong nababalitaan na nagawang kabutihan o proyekto ni Tuguegarao City Mayor (General) Jeff Soriano sa aming mahal na “batil patong” este, lungsod, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa aming kababayan.

Kaya hindi nagkamali ang mga kababayan ko sa pagpapaupo sa dating heneral ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni dating Mayor Delfin Ting na minsa’y kinasuhan graft sa Ombudsman. Teka ano na kaya ang nangyari sa kaso ni Ting? Nadismis na ba o nakatengga lang at inaamag lang sa graft investigation office?

Anyway, Gen. Soriano noon pa man – sa PNP ay batid ko na rin ang mga nagawa mo. Nakabantay din ang inyong lingkod sa mga naging performance mo. Yes bilang isang manunulat sa loob ng 22 taon ay halos walang nakalusot sa inyong lingkod. Good or bad publicity.

Ngayon saludo po ang inyong lingkod sa inyong mga nagawa at ginagawa sa mahal nating lungsod. Ipagpatuloy n’yo po ‘yan. Di ba Lolo Tancio Soriano?

Ano pa man, ako’y nananawagan sa inyong butihin alkalde, hindi para sa aking sarili kundi para sa mga mahal nating senior citizen ng Tuguegarao. Mahal na raw ang batil patong. He…he…he…biro lang, kundi ang reklamong ipinarating sa atin kabilang na ng aking mahal na ina ay ang pagbabalewala sa kanila ng nakararaming botika sa Tuguegarao. Natatanging ang kilalang botika (Mercury Drug) sa lungsod ang nagbibigay halaga sa mga senior citizen natin. Marahil alam n’yo na ang inirereklamo ng mga kababayan natin.

Opo Mr. Mayor, maraming botika – hindi naman maliliit ito kundi halos ka-singlaki rin ng Mercury Drug, ang lumalabag sa batas hinggil sa pagbibigay ng diskuwento sa senior citizens.

Hindi ibinibigay ang 20% discount sa kanilang pagbili ng gamot. Palusot ng ilang botika, maliit lamang daw ang kanilang establisimento sa kabila na may branches naman sila sa ilang sulok ng Tuguegarao.

Napipilitan na lamang bumili ang mga SC sa kanila dahil kung minsan ang gamot na kanilang bibilhin ay hindi available sa Mercury Drug.

Hindi ko na po banggitin ang pangalan ng mga inirereklamong drug stores…madali lang po ninyo malaman kung ano-anong drug store ‘yan Ginoong Alkalde. Maliit lang ang sentro natin o ang kalye komersyo. Isa-isahin lang po ng mga tao mo na kunwaring bibili sa mga drug store sa Tuguegarao at inyong malalaman agad kung sino-sino ang mga botika na bumabalewala sa mga mahal nating lolo’t lola. Regards nga pala sir kay Lola Oray?

Mayor Soriano, inaasahan po ng mga kababayan natin ang inyong agarang aksyon hinggil sa mga tarantadong botika sa Tuguegarao. Paki-tulungan po agad ang mga SC natin. Napakala-king halaga po ng 20% discount. Balang araw sir ay pakikinabangan din natin ang diskuwentong ‘yan kaya, ngayon pa lamang ay inyo nang solusyonan ang reklamo para pagdating ng panahon hindi na tayo mamroblema sa diskuwento.

Uli Mayor Soriano, maraming salamat sa nakatakda niyong aksyon.

Siyanga pala Mayor, paki-aksyonan din ang isang panciteria diyan sa Diversion Road, Caritan yata ang nakakasakop o Balzain sir. Oo tabong plastic ang kanilang ginagamit na pagsandok sa lutong pansit. Aba’y sa init ng pansit ay unti-unti rin natutunaw ang tabo na nahahalo naman sa bagong-bagong lutong batil patong.

Paki na lang Heneral.

Maraming salamat mayor.

***

Para sa inyong reklamo, komento, suhestiyon at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *