Saturday , August 23 2025

Multa sa Jaywalking tataasan ng MMDA

KUNG ang multa sa mga kolorum ay tinaasan sa joint order ng Land Trandportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tataasan din ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang multa sa Jaywalking.

Oo, napakaepektibo ngayon ng malaking multa sa mga kolorum. Lumuwag ang mga kalye. Sa palagay ko ay nasa 40% ang mga nawalang sasakyan sa main roads. ‘Yun siguro ang mga kolorum (walang linya at permit, paso na ang prangkisa, may prangkisa pero sa ibang type of service ginagamit, pribadong sasakyan na nagpapanggap na pampubliko).

Pagmumultahin ka ba naman ng P1-M sa co-lorum bus, P250,000 sa taxi, P200,000 sa truck at van, P50,000 sa jeepney at P6,000 sa tricycle. Sa jaywalking, ang magiging multa naman ay P200 mula sa dating P150. Tapos isasailalim pa sa 30-minute seminar ang jaywalkers.

Malaki-laking halaga rin ang P200, mga limang kilo rin ng NFA rice ito at abala sa oras ang seminar. Kaya iwasan nang tumawid sa hindi tamang tawiran.

Naalarma kasi ang MMDA sa paglaki ng bilang ng mga naaaksidente sa pagtawid sa daan. Ito ‘yung mga hindi gumagamit ng pedestrians at footbridges.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang may kapangyarihan lamang manghuli ng jaywalkers ay ‘yung “men in red” o Anti-Jawalking Unit, mga nakasuot ng bright red shirts, at mag-iisyu ng Pedestrian Violation Receipt (PDR) sa violators. Aprub sa atin ang aksyong ito ng MMDA dahil ito’y para sa kapakanan ng commuters. Mabuhay!

Lumuwag din ang kalsada

sa Bacolod, Negros

– Joey, may tama talaga ang LTO at LTFRB sa Bacolod, Negros. Lumuwag talaga ang trapik dahil sa malaking multang yan. Ipagpatuloy lang nila dahil maraming kolorum dito. Salamat. – 09994154…

Aprub ang malaking multa sa kolorum sa Cavite

– Gud am po, Mr. Venancio. Una, mabuhay ang nagpanukala ng batas para sa multang malaki sa mga sasakyang kolorum. Malaking ginhawa po sa kalsada at sa mga mamamayan. Ito lang pala ang paraan para matugunan ang matagal nang problema sa trapiko at isa pa po mababawasan na ang mga kotongero sa kalye. Ang mag-ingat yung mga vendor dahil sigurado sila naman ang gagatasan ng mga buwitre ng kalye. Kaya dapat bantayan din yang mga yan. Mabuhay po ang joint task force ng LTO at LTFRB. Siempre po ang inyong kolum na nagsisiwalat ng mahahalagang balita. Mabuhay po kayo. Saludo kaming mga Caviteno sa inyo. – Ca-vite boys (09153092…)

Talamak ang droga at mahal ang tax sa Taguig

– Gusto ko lang po i-report ang totoong sitwas-yon dito sa Taguig City na laganap ang bentahan ng droga, ang mga tanod kasabwat pa at mahal po ang taxes dito. Dating P3,000 ngayon ay P15,000 na. – 09122598..

Nakatiwangwang ang binungkal na kanal at kalsada sa C3 (Caloocan)

– Ginoong Joey Venancio, report ko po ‘yung ginagawa na kalsada at kanal dito sa C3, Caloocan City. Iniwan yung kanal na nakatiwangwang at yung kalsada sobra na po ang tagal na ginagawa pero hanggang ngayon wala pa sa kalahati ang nagagawa. Paki-aksiyunan lang po. – 09287270269

Paging Caloocan Mayor Oca Malapitan, pa-check mo sa iyong engineering ang ulat na ito, Sir! Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: joey_pulis@yahoo.com

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Nadia nagbitiw na bilang political officer ni Robin

MA at PAni Rommel Placente NAG-RESIGN na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen.Robin Padillahabang iniimbestigahan ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Fans ni Kathryn tanggap si Mayor Mark  

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo. Very understanding sila …

Vivian Velez Vice Ganda

 Vivian Velez nahalukay dating scandal sa pagsawsaw kay Vice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo NAHALUKAY ang nakaaang scandal ng aktres na si Vivian Velez ng isang netizen na …

Blind Item Corner

Junior actor posibleng masibak namumuro sa pagiging late 

I-FLEXni Jun Nardo NABUWISIT ang dalawang senior actor sa isang junior actor na madalas napapanood sa sexy films. Ang …

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *