HINDI man tahasang aminin ni Atty. MARCE ARIAS, ang mabunying hepe ng Legal Department ng SOLAIRE RESORTS and CASINO na sumasakit na ang kanyang ulo sa napakaraming katarantaduhang nangyayari at umiiral sa 7-star hotel na pag-aari ng kanyang Boss na si Don Enrique Razon, hindi naman malilihim sa pang-amoy ng media ang talamak na pag-o-operate ng isa umanong Korean syndicate sa SOLAIRE.
Bagama’t walang pormal na report ang tanggapan ni Atty Arce sa naganap na buy-bust ope-ration ngNBI noong April 29, 2014 sa loob ng Room 810 ng Solaire hotel, nangangamba naman siya sa posibleng pagsipa dahil sa nangya-ring insidente sa kanyang tanggapan. Baka luma-bas kasi sa bandang huli na sangkot ang Legal Department sa drug trade na nangyayari sa loob ng SOLAIRE!?
Nauna nang sinabi ni Atty. Arce na ibinabase lamang niya ang kanyang magiging hakbang at aksyon sa report ng Security Department ng Solaire na pinamumunuan ni Dacer-Corbito murder/kidnapping suspect ex-Colonel Michael Ray Aquino.
At kahit pa nga nakukulili na ang tenga ni Atty. Arias sa mga derogatory intel reports tungkol sa notorious activities ng isang MIKE KIM ay wala siyang magawa.
Again, as what Atty. Arias stated, nakadepende lamang siya sa ulat ng tanggapan ni da-ting puganteng si Michael Ray Aquino.
What if kung ang tarantadong si MIKE KIM at MICHAEL RAY AQUINO ay ‘partners in crime?
Paano na ang kapakanan at seguridad ng mga guest at casino players sa SOLAIRE?
Alam naman ng buong madla na nasangkot at isa sa mga suspect sa pagdukot at pagpatay kay Buddy Dacer at ng kanyang driver na si Alex Corbito si Michael Ray Aquino.
Ilalagay na lamang ba ni Atty. Arias sa mala-king kompromiso at peligro ang kanilang mga kli-yente or shall we say customers/guests?
Paano na ang interest ni Enrique Razon na nagtiwala sa kanila upang pangalagaan ang kanyang bilyon-pisong investments sa naturang hotel?
May kasu-nod… ABANGAN!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]
Rex Cayanong