Those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and will not be faint. —Isaiah 40:31
ITO ang kasalukuyang kalagayan ng minamahal nating Lungsod. Nataguriang “Araw ng Maynila” ngayon pero walang magaganap na selebrasyon dahil ang dating Pangulong Erap ay abala sa pag-aasikaso sa kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada na “na-oblo” dahil saP10B pork barrel scam.
Sabagay hindi natin masisi ang dating Pa-ngulo, aba, siyempre mas mahalaga ang kanyang anak kaysa ipagdiwang ang Araw ng Maynila.
Tama naman , Ama siya ni Jinggoy hindi Ama ng Maynila! Ehek!
***
KAHAPON, hindi nakadalo ang dating Pangulo sa awarding ng The Most Outstanding Employees na taunang parangal na iginagawad sa mga tapat at masipag na kawani ng Manila City hall.
Bago nito, nitong Biyernes, hindi din sinipot ng dating Pangulong Erap ang okasyon ng pagkilala sa Patnubay ng Sining at Kalina-ngan na mismong sa Bulwagang Villegas ng City hall ginaganap.
HINDI MARAMDAMAN
ANG ARAW NG MAYNILA
MARAMI pang okasyon ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila na “no show” ang dating Pangulo na ikinadismaya ng maraming Manilenyo. Hindi maramdaman na foundation day pala nga-yon ng Maynila.
Habang isinusulat natin ang kolum na ito, wala pang kumpirmasyon kung dadalo ang da-ting Pangulo sa okasyon ng pagkilala sa mga natatanging Manilenos o ang Ten Outstanding Manilans na gaganapin sa Manila Hotel nga-yong araw.
Mga importanteng okasyon sa Araw ng Maynila!
***
TIYAK din na sa mga susunod na araw, mapaparalisa ang transakyon sa city hall dahil nakatuon ang konsentrasyon ng dating Pangulong Erap sa kalagayan ng kanyang anak na si Jinggoy.
Ganoon rin ang kanyang mga opisyales na palaging nakabuntot sa dating Pangulo kasehodang abandonahin ang kanilang mga gawain sa Maynila.
Ang mahalaga, makasipsip! Hindi ba Councilor Let let Zarcal?!
TRICYCLES, KULIGLIG, PEDICAB NAGPROTESTA VS MTPB
SUMUGOD kahapon ang mga tricycles, kuliglig at sidecar boys sa Manila City hall upang tuligsain ang walang habas na pangigipit sa kanilang hanay ng mga abusadong tauhan ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) officer in charge Don Carter Logica.
Labis ang pang-aabuso ng mga tauhan ng MTPB sa kanilang hanay, araw-araw na lamang ay hinuhuli ang kanilang ginagamit na hanapbuhay.
***
MATAGAL na nating sinasabi na sipain na sa puwesto ang payatot na opisyal na si Carter. Hindi na kase makatao ang mga patakarang pinaiiral nito.
Ang sabi sa kanyang karatula na babala sa mga pedicab at tricycles: penalty: impound para sa mga dumaraan sa mga ipinagbabawal na kalsada, aysus, pero kapag nahuli, pinatutubos nila ng P500.00
Mga buwaya talaga!
***
WALANG maayos na traffic plan ang “Don” ng MTPB. Ang utos lamang nito ay wala daw hihinge ng “tong” basta manghuli lamang ng mga motorista upang makakuha ng 20% commission sa OVR..
Anong klaseng utak kaya meron ang taong ito? Hindi ba’t epekto nito ay ang kawalang di-siplina sa kalsada. Kapwa responsibilidad ng motorista at traffic enforcers ang magkaroon ng maayos na daloy ng trapiko sa lansangan.
To solved the problem, it takes two to tango!
GAWAD AWARD AMERIKA
KAY MAYOR LIM
NAKATANGGAP ng sulat ang katoto nating si Percy Lapidmula sa isang Joey Sarmiento, isang disc jockey o DJ ng91.5 FM Big Radio. Nakabase si DJ Joey sa San Diego., California na isang Ateneo de Manila graduate.
Iniimbitahan ni DJ Joey sa pamamagitan ng katotong Percy si Mayor Alfredo Lim na dumalo sa Gawad Award Amerika 2014 para ihandog sa kanya ang Lifetime Achievement Award.
Narito ang sulat:
June 21, 2014
Hi Sir, good evening po, Sir Percy! I know that you are close to Mayor Lim, can you please help us deliver our invite for him as the Lifetime Achievement Awardee for Gawad Award Amerika 2014 now on our 13th year.
This is being done every November at Hollywood, California and this is composed of Filipino-American reporters and publishers and the heads of Filipino-communities in America.
The board in America is asking po if it is possible for him to get his award personally on November 8, 2014 at the Celebrity Center, Hollywood, California. It’s a red carpet event with full attendance po ng mga kababayan natin.
Thank you very much!
***
NAKATUTUWA na may ganitong pagkilala kay Mayor Lim at hanggang sa Amerika ay nakararating ang mga mabubuting gawain at ser-bisyo ipinagkaloob nito sa mamamayan sa mahigit limang dekada sa public service
Bibihira lamang ang ganitong parangal na ibinibigay ng mga Filipino-communities sa Amerika sa mga natatangi Pilipino. Masusi nilang pinag-aaralan ang mga karapat-dapat bigyang parangal, mga taong walang bahid ng du-ngis ang pagkatao.
At well deserving dito si Mayor Lim! Congrats po!
*****
Para sa anumang komento, mag-email [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos