Sunday , December 22 2024

Mainit, maipis, wala ‘yan kompara sa kulungan ng masa!

MAINIT, madaga, maipis, walang door bell (buzzer for emergency call), ano pa? Pulos reklamo … na kung tutuusin nga ay napakasuwerte ng mga akusado sa plunder dahil ang turing sa kanila ay very important person (VIP) bagaman sinasabing hindi raw VIP treatment ang ibinibigay kay Senador Bong Revilla na nauna nang ikinulong sa Kampo Crame dahil sa kasong pangdarambong.

Wala naman tayong galit kay Senator Anak ng Teteng, pero ‘yang mga nababalitang reklamo niya ay napakasimpleng suliranin lang kompara sa mga nakakulong ngayon sa iba’t ibang piitan na ilan sa kanila ay bumoto kay Bong nang maraming beses na rin.

Isa akong pulis reporter – 22 taon na sa trabahong ito, kaya ang masasbi ko sa reklamo ni Bong ay walang kuwenta. Marami-rami na rin akong kulungan na napasukan. Ooops hindi tayo nakulong kundi nag-interview ng mga inmate sa city jail o ‘di kaya sa mga detention cell ng mga estasyon ng pulisya.

Naku po, nakaaawa ang kalagayan ng mga inmate sa mga kulungan sa bansa – hindi lang paisa-isang ipis o daga ang segu-segundong nakikipagpatintero sa kanila kundi halos hindi mabilang ang mga ipis at daga.

Mainit nga ang ‘ika ni Sen. Bong at nagre-request ang pamilya niya ng isang air cooler. Yes, hindi ko pa man napasukan ang piitan ni Sen. Bong pero batid na natin na mainit doon pero, wala pong sinabi ang init ng kulungan ngayon ni Sen. Bong kompara sa mga kulungan ng mahihirap o walang impluwensiya.

Grabeng init sa loob ng mga kulungan ng mahihirap, magreklamo man sila ay hanggang doon na lang dahil hindi naman tinutugunan ang kanilang mga karaingan.

Kaya, ano pa ang inirereklamong mainit, maipis, madaga, bla … bla … bla… bla. Huwag nang magreklamo dahil masasabi pa rin na parang nanalo sa lotto si Senador kompara sa kulungan ng mga kawawang inmates na marami rin sa kanila ay biktima ng injustice system.

Kaya payo natin kay Sen. Bong, tiis-tiis lang po sir, wala iyan mga reklamo mo. Gayon pa man dapat aksyonan pa rin ng pamunuan ng PNP Custodial ang karaingan dahil may karapatan pa rin naman ang Senador. Bagamat masasabing nakapasuwerte po ninyo Sen. Bong sa inyong kulungan.

Kaya mas maganda sana kung inyong hingan ng pabor ang korte na ilipat kayo sa ordinaryong piiitan hindi lamang para maranasan mo ang tunay na kulungan kundi makasama ang ilang bilanggo na nagpaupo sa inyo sa Senado.

Sen. Bong, tutal rin lang naman ipinakikita ninyo na makamasa kayo nang umikot kayo sa Metro Manila bago nagpakulong para pasalamatan ang inyong mga supporter, e bakit hindi mo sila mairamay sa totoong piitan, ‘di ba mas okey iyon? Kumbaga kasi wala ka sa trono ngayon kung hindi rin sa mga bumoto na inmates. Kaya tiis-tiis lang Sen. Bong, dalawang taon lang naman ang hihintayin mo.

Uli Sen. Bong, masuwerte kang bata ka sa kulungan mo. Lamang mas maswerte si Janet Napoles.

Pero ano sa tingin ninyo, si Sen. Bong ba ay biktima ng hustisya o biktima ng alitan sa politika?

‘E paano naman ang mga kaalyado ni PNoy na sangkot sa pork barrel scam? A, sila ang pinakamasuwerte – Grand Lotto jackpot ang kanilang napanalunan kaya lang, kapag matalo ang kanilang manok sa pagkapangulo sa 2016, sila naman ang naghihimas ng rehas.

***

Para sa inyong reklamo, suhestiyon, komento at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *