Friday , December 27 2024

Daming kompleyn at hinihirit ni Pogi sa kanyang ‘dorm’

UNANG gabi palang ng kanyang pananatili sa “dormitory” sa Camp Crame ay napakarami nang inirereklamo at inihihirit ni “Pogi”.

Marami raw ipis, daga at mainit ang kanyang “dorm”.

Humirit si Pogi ng dagdag na electric fan dahil sumusumpong daw ang migrane nito at baka tumaas ang blood pressure dahil highblood daw ito, sabi ng kanyang may katarayang misis na kongresista.

Namimili rin daw ng foods na dadalhin sa kanya si Pogi.

Tapos sabi ng Philippine National Police, tatlo lang ang maaring dumalaw araw-araw kay Pogi. Ito’y ang doktor, abogado at misis.

Dahil dito, hihirit daw ng house arrest ang mga abogado ni Pogi.

Tulad ng ginawa noon ni Erap. Na habang dinidinig ang kasong plunder ay naka-house arrest sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal, kungsaan nagtanim ito ng mga gulay. Hayahay ang kanyang naging buhay… hanggang sa mahatulan ng habambuhay pero kaagad pinagkalooban ng pardon ng noo’y presidenteng si Gloria M. Arroyo na siya naman ngayong naka-hospital arrest.

Balikan natin si Pogi, ang mga pa-epek o gimik niyang nagmumukha siyang inaapi at kinakawawa ay hindi umepekto sa taong bayan na galit na galit sa pork barrel fund scam. Sa social media lang ay durug na durog si Pogi. Pati ang pagsuot niya ng t-shirt na may naka-print na biblical message na “The Lord is on my side: I will not fear: What can man do unto me?” – Psalm 118:6 ay umani ng grabeng batikos.

Reaksyon ng netizens: Ginamit na nga raw ang pangalan ni Lord, pina-print pa sa t-shirt nya. Hahaha…

Sa kabilang banda naman, umalma ang Yolanda victims sa eastern Visayas partikular sa Tacloban City. Buti pa raw ang mandarambong ay pinagawan ng napakaayos na kulungan, samantalang silang mga biktima ng kalamidad hanggang ngayon ay nasa makitid at mainit na bunkhouse lang inilagay at marami pa sa kanila ang nakatira sa bahay-bahayan na langit ang bubong. Tumpak!

Ngayong linggo, abangan naman natin ang mangyayari kina Tanda at Sexy.

Wala pa mandin ay humirit na si Sexy ng house arrest, highblood daw kasi iya. Si Tanda naman ay humirit na huwag nang ikulong dahil over over senior citizens na siya.

Dami nilang palusot, noh? Tsk tsk tsk…

Pero ang sigaw ng netizens at mga tambay sa kanto… “IKULONG NA ANG MGA YAWA NA YAN!” Aray ko!

Walang delicadeza sina Sec. Rojas at CPNP Purisima

– Sir Joey, reaksyon ko lang po sa column nyo nitong Hunyo 22, 2014 (Linggo), ukol sa panawagan na mag-resign na si CPNP Purisima at DILG Sec. Roxas. Sila po ay walang delicadeza gayong kitang kita ang kanilang kapabayaan sa kanikanyang trabaho at kailangan pa nilang palayasin sa puwesto ni P-Noy na siyang kinikilala nilang amo. Sa akin pong suma total bilang isang nag-oobserbang mamamayan ay palpak ang mayoridad ng mga galamay (gabinete) ni P-Noy. – 09204424…

Tumpak ang ating texter. Mabuhay ka, amigo!

Dapat sa ‘Munti’ na ikulong ang 3 senador sa pork scam

– Sir Joey, dapat sa tatlong senador na yan doon ikulong sa Munti (National Bilibid Prison), walang VIP. Dapat isama sila sa mga kulungan ng mga krimen at magnanakaw. Pare-parehas lang ang mga tao, dapat walang exclusive na senador yan o congressman o kahit presidente. Bakit yun mga taong naghahanapbuhay ng iligal lang na paninda pag nahuli ng pulis kulong na bagsak. Sana pare-parehas ang parusa sa mga tao na nagkasala sa batas. – 09999927…

Ang mga kinukulong lang po sa Munti ay yaong mga nahatulan na ng habambuhay. Ang tatlong senador ay hindi pa naman nahahatulan. Pero tama ka sa damdamin mong sila’y dapat sa ordinaryong kulungan din ipasok tulad ng mga nahuhuling snatchers, mandurukot, holdaper, rapist, mandurugas o nakapatay na kahit dinidinig palang ang kaso ay nasa city jail o provincial jail nakapiit.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *