Tuesday , November 5 2024

Chief PNP Purisima at DILG Sec. Roxas dapat nang mag-resign

LUMALAKAS ang panawagan ng pagpapabitiw kina PNP Chief Alan Purisima at DILG Sec. Mar Roxas.

Ito’y dahil sa grabe na ang mga krimen na nangyayari at naging talamak ang mga iligal sa bansa.

Pero ang palusot dito ni Purisima, kaya raw tumaas ang rate ng mga krimen ay dahil naiuulat na nila ang mga insidente. Ngek!

Ayon naman kay Rojas, aminado siyang laganap na nga ang mga kriminalidad na nangyayari, pero may nagagawa naman daw ang PNP. Ganun lang?

Ang PNP kasi ay under ng tanggapan ng DILG (Department of Interior and Local Government).

Kung ganito kalambot ang rason ni Rojas, malamang sa kangkungan sya pupulutin sa pagtakbong presidente sa 2016.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, simula nang maging hepe ng pambansang pulisya si Purisima, naging rampant na ang krimibalidad. Tila napakadali na sa mga kriminal ang gumawa ng krimen. Kasi nga walang police visibility. Kasi ang mga pulis sa presinto karamihan ay “lubog”. Ang mga police sa headquarters karamihan ay “15-30”. Hindi kikilos o magtatrabaho kung hindi pagkakakitaan o walang “lagay”. Peks man!

Pero pumunta po kayo ng sabungan, laluna sa tupada, nandun ang mga pulis, nakasukbit pa ang baril habang nagbibitaw ng manok sa loob ng gratas.

Masakit man pakinggan, ang mga pulis nga-yon, ang iniikutan ay ang mga iligal na pasugalan, vendors, putahan, shabuhan at iba pang establishment na may iligal na maari nilang makolektahan o makotongan!

Kaya hindi natin masisisi kung ang taong-bayan ay mawalan na nang tiwala sa kakayahan nina Purisima at Rojas ay dahil nga lelembot-lembot sila kung kumilos. Ang hina ng kanilang leadership.

Kaya ang pinaka-da best sigurong gawin nila dito ay mag-resign nalang. Dahil ang negative performance nila sa taong-bayan ay bumabalandra sa kanilang amo na si Pangulong Noynoy Aquino. Period!

Hinaing ng isang sekyu

sa Dumaguete City

– Gud pm, Sir Joey. Ako po si Rico A. Mapili. Guard po ako dito sa airport ng Dumaguete City, Negros Oriental. Hihingi po ako ng tulong sa inyo, kasi po hindi ko talaga kaya nga gastusan ang tatlo ko po na mga anak na nag-aaral po sila ng college sa Foundation University. Sir, ang sahod ko po dito P297 lang po ang isang araw, tapos walang trabaho ang misis ko. Nangungupahan po kami ng bahay, P2,000 monthly. Na-enroll na po ang tatlo kong mga anak ngayon sa F.U. Pero ang problema ko po ngayon ang bayaran nilang tatlo kada bulan po. Sir, kada bulan po nagbabayad ako ng P6,000 para sa exam, kasi pag hindi po ako makabayad hindi po sila maka-exam. Yun ang dahilan, Sir, kaya nag-text ako sayo para hihingi ng tulong ng mag-sponsor sa mga anak ko. Ikaw na po ang bahala. God bless u. – Guard ng Dumaguete Airport (09058004772)

Ilapit nyo po sa inyong alkalde o kongresista ang bagay na ito at baka mayroon silang scholarship program para sa mahihirap nilang constituents. O, yung mayayaman na may ginintuang puso dyan sa Dumaguete City, baka puede nyo po matulungan ang sekyu na ito sa pagpapaaral sa kanyang 3 anak sa college. Pagpapalain po kayo ng Maykapal. Amen!

Abad, Alcala, Villanueva

tanggalin na…

– Gud day. Hilingin ko lang po sa ating mahal na Pangulong Benigno Aquio lll na tanggalin na sa puwesto ang mga tiwaling opisyal nya na nasangkot sa pork barrel scam na sina Budget Sec. Butch Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala at TESDA Dir. Joel Villanueva. Tila yata pinagtatakpan ninyo pa itong mga opisyales ninyo na ito sa pakikipagsabwatan sa paglustay ng pera ng bayan. Kapit-tuko sila sa kanilang posisyon na ayaw magkusang magbitiw sa tungkulin. Ang kakapal naman ng mga mukha nyo! Mag-resign na kayo! Nagtitimpi lang ang taong-bayan sa inyo. – 09323007…

Si PNoy ay may ugaling hindi nagtatanggal ng tao. Kapag galit na sya sa kanyang tao, hindi nya na ito papansinin. Sa tingin ko ay pinapansin nya parin ang tatlong nabanggit kaya hindi pag nagre-resign ang mga tukmol. Si Villanueva, anak ng Evangelist na si Bro. Eddie Villanueva ng JIL, ay nagsabi namang magbibitiw lang sya kung pagsasabihan siya ng Presidente.

Ang kakapal nila, noh?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *