Tuesday , November 5 2024

American citizenship ng notorious na si Mike Kim, kanselahin! (Police bodyguards, dapat i-pull out)

Posibleng irekomenda ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred Mison ang pagkansela sa visa nitong tarantadong si MIKE KIM operator ng POKER sa Solaire Resorts and Casino dahil sa sandamakmak na illegal activities na kinasasangkutan nito.

Mula money laundering, illegal drugs, kidnapping, extortion at protection racket laban sa kanyang mga mismong kababayang Koreano ang mga krimeng walang takot na pinagtatampisawan ng ugok na Koreano.

Dapat ding makipag-ugnayan ang Bureau of Immigration (BI) sa US Embassy para tuluyang bawiin ng Estados Unidos ang US citizenship ni KIM.

Pinakahuli sa mga katarantaduhang pinasok ng nasabing Koreano ay noong pilitin nitong arborin sa National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division-Anti Illegal Drugs Unit (AOTCD-AIGU ) ang kasosyo nitong druglord na si MARDEEP NARANG alias SINGH na nahuli ng NBI sa isang buy-bust operation sa mismong loob ng SOLAIRE Resorts and Casino.

Nagawang pansamantalang ma-hospital arrest si NARANG sa Manila Medical Center Room 901 dahil sa koneksyon ni KIM gamit ang mga pangalan nina DOJ Secretary Leila de Lima at NBI Director Virgilio Mendez.

Isang NBI agent ang nagsilbi pang personal escort ni KIM sa paglusob sa tanggapanan ng AOTCD-AIGU ng NBI para sapilitang arborin ang nahuling kasosyo.

Nagawa pa rin ni KIM na mag-away-away ang mga ahente ng NBI nang dahil sa nahuling si NARANG.

Pruweba ng ating pagbubulgar ang CCTV footages ng Manila Medical Center noong mada-ling araw ng Abril 30, 2014 onward.

Bukod sa isang NBI tongpats agent, isang alyas GERRY naman ang head security ni KIM na mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na katakatakang nai-deploy sa notorious na Koreano ng PNP at ni CIDG Director Benjamin Magalong.

Para patunayan kung gaano ka-bigtime ang tarantadong si KIM, sa SOLAIRE Resorts and Casino lamang ito nagbabahay or shall we say permanenteng naka-check in.

Bukod pa ito sa pag-o-operate ni KIM ng isang poker table sa naturang pamosong hotel na pinamumugaran ng mga highroller players (gamblers) na karamihan ay mga foreigners.

Masyadong mabigat ang Koreanong ito sa kasalukuyang pamahalaan.

Mula pulisya hanggang NBI at Bureau of Immigration ay kaya nitong paikutin at diktahan.

Tingnan nga natin kung pati si Commissioner Fred Mison ay kayang babuyin ang pagkatao nitong si KIM.

SEC. ROXAS INUTIL SA KAMPANYA SA ILLEGAL GAMBLING

Tuloy parin ang operasyon ng lotteng at jueteng nina Rene Imperial, Tony “Bolok” Santos, Camanava at Marikina, Lito Motor, Ver Bicol, Pinong, Don Ramon, Tony Francisco sa Quezon City, Luding Bongaling sa Benguet at Baguio, Joy sa Paranque, Cris, Rose, Laarni, Lotteng at VK sa Pasig. Abang simbulan, Paknoy Pricenedi, Viceo, Edna / Enteng, Gina Guttierez sa Maynila,TOTO LACSON SA PASAY, Sabile ,Tita Dinglasan, Edwin Olazo, Nato Opena sa Laguna, Bong Sola sa Rizal , Anna sa Batangas at Central Luzon Jueteng king Bhong Pineda.

Wala rin umanong keber dito ang administras-yong Aquino lalo na ang DILG sa pamumuno ni Mar Roxas at ng PNP ni Director General Alan Purisima.

Abangan!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *