Friday , December 27 2024

Lumuwag ang kalye sa laki ng multa sa kolorum

GULAT ako kahapon nang sa paghatid ko sa mga anak ko sa iskul ay napakaluwag ng kalsada. Kala mo nga may laban si Manny Pacquiao ‘e. Hehehe…

Nagsimula kasi kahapon ang pagpapatupad ng napakalaking multa sa mga kolorum na sasakyan.

Isipin mo naman… ang multa sa kolorum na bus ay P1- million, sa taxi ay P250,000; truck at van ay P200,000; sedans (kotse) ay P120,000; jeepney ay P50,000; at sa tricycle ay P6,000.

Paano ba masasabi na kolorum ang isang sasakyan?

1. Walang lisensya o walang prangkisa – mga pribadong sasakyan na nagpapanggap na pampubliko.

2. May paso nang prangkisa at walang aplikasyon ng extension.

3. PUVs (public utility vehicles) na may prangkisa pero sa ibang type of service ginagamit (halimbawa: rehistradong tourist bus ngunit ginagamit pampasada).

4. Mga nasuspinde o nakanselang PUVs na ipinatutupad na ang kanselasyon pero bumibiyahe pa rin.

Note: Tanging ang mga tauhan lamang sa ilalim ng joint task force ng LTO at LTFRB ang may awtoridad na magpatupad ng pagtitiket.

Sa madali’t salita hindi puwede manghuli ng kolorum ang mga pulis, MMDA personnel at local traffic traffic enforcers ng local government units (LGUs). Ito’y upang maiwasan ang kotong!

Aprub na aprub sa atin ito. Ang mga operator na komokontra sa anti-colorum operations ng LTO at LTFRB ay silang mga nango-ngolorum.

Goodluck LTO/LTFRB! Mabuhay!

Talk of the town

ang hiling na house arrest nina Jinggoy at Bong

Wednesday night, habang nagdi-dinner ako sa Tanabe restaurant sa Remedios Circle sa Malate, Manila, isang grupo ang malakas na nagkukunwentohan. Sabi ng isang singkit, “‘Tang inang Jinggoy ‘yan … ang yabang-yabang, sabi n’ya noon handa s’yang pakulong kahit sa ordinary na kulungan s’ya ilagay. Tapos ngayong makukulong na nga, hihirit ng house arrest, gago! Ang yabang-yabang, tapos takot rin palang makulong sa talagang kulungan.”

Sagot naman ng isa pang singkit: “E si Revilla (Bong) nga gagawin daw n’yang gym ang kulungan e. Tapos nakiusap pa na huwag daw syang hiyain pag lumabas ang warrant. Huwag na raw syang posasan, kusa nalang daw syang susuko. Pero noon ang yabang-yabang ng tarantadong yan, ha?”.

Kitam, talk of the town na ang nalalapit na pagkakakulong ng mga aktor na senador. Mana-nalo pa kaya ang mga ito sa pagtakbo sa darating na eleksyon? Puede… dahil madali makalimot ang mga Noypi e. Tingnan nyo si Erap, convicted na lahat-lahat ay nakabalik pa sa kapangyarihan? Ang mga Marcos, nasa power na ulit… si Imelda ay congresswoman, si Imee ay gobernadora at si Bongbong ay senador. Baka nga maging presi-dente pa itong si Bong Bong e.

Onli in the Pilipins…

Nagkalat ang kolorum

na jeep sa Cavite

– Mr. Venancio, nabasa ko ang front page nyo sa Police Files TONITE tabloid tungkol sa malaking multa sa mga kolorum na sasakyan. Dito po sa amin sa Cavite ay mas marami pa ang kolorum na jeep kesa ligal. Ito ay ang mga bumibiyahe ng Binakayan-Kawit-Imus sa Imus terminal, Tanzang luma, malapit sa Mercury drug. Lahat ng pampasaherong jeep dito ay white plate. Biyaheng Boncandala, Malagasang, Buhay na Tubig, Anabu at Trece Martirez termimal mga kolorum din. Biyaheng Indang, Carmona, Pala-Pala, Tanza at iba pa. Walang huli ang mga ito. Malaki ang patong sa LTO-Imus, LTFRB Region 4, HPG PPO Cavite. Nakakahiya. Parang walang batas sa Cavite. – 0927850….

O, ayan!!! LTO/LTFRB Anti-Colorum Task Force, pasadahan nyo na ang nabanggit na mga lugar sa Cavite. Go!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *