Sunday , December 22 2024

Kahit may bagong uniform, bulok pa rin ang PNP!

Fathers, do not exasperate your children, instead, bring them up in the training and instruction of the Lord. —Ephesians 6:4

MAY bagong uniform ang Philippine National Police (PNP). Maipagmamalaki raw ng liderato ng pulisya ang bago nilang uniporme. May P14,000 uniform allowance na inilalaan ang PNP kada tatlong taon sa bawa’t pulis. At ito ang nais iwang legacy ni PNP Chief.

Susme, mahiya-hiya naman si PNP Chief Alan Purisima,malulutas ba ng bagong uniporme ang talamak na krimen nagaganap sa bansa?

O, pakisagot nga PNP Spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac!

***

SA Maynila pa lamang halos araw-araw ay may nagaganap na patayan, holdapan at iba pang krimen na hindi malutas-lutas ni Manila Police District (MPD) Director Rolando Asuncion.

Kaya naman malaking dagok ito sa administrasyon ngdating Pangulong Erap na nagsabing walang kaunlaran, kung walang katiwasayan. Kaya pala paurong nang paurong ang Maynila.

Teka, baka kailangan n’yo ng isang Dirty Harry?! Ehek!

DELICADEZA NAMAN

D’YAN GEN. PURISIMA

INAMIN ni PNP Chief Purisima sa isang panayam ng media na tumataas ang bilang ng krimen ngayon, pero wala siyang maipalabas na bagong suhestyon upang masugpo ito.

Kinakaladkad sa iba’t ibang kontrobersya si Gen. Purisima mula nang maupo bilang PNP chief, gaya nang pagbawalang magsalita sa media ang PNP officers tungkol sa kaso, inalis ang meal allowance ng civilian employees at pagtatayo ng milyong pisong halaga ng bagong tirahan ng PNP chief na tinaguriang “White House.”

Pero siya pa rin ang PNP chief? Aysus, sa ibang bansa ‘yan, matagal nang nag-resign!.

PARA KAY CHAIRWOMAN

ERICA PLATON

NG BGY 720 ZONE 78

ISANG e-mail ang natanggap natin mula sa isang residente ng Brgy 720 Zone 78 na lugar ni Chairwoman Ericka Platon. Idinidetalye niya ang nagaganap sa kanyang barangay. Pansamantala muna natin itinago ang kanyang pangalan bilang proteksyon.

Narito ang kanyang liham-reklamo:

Dear Ms. Joy

Good Afternoon

Si __________ residente ng brgy 720 zone 78 under Chairman Erika Platon gusto ko lang magreklamo sa sobrang garapalan na pamamalakad nila nung una siya na-elect ok pa naman maayos na chairman namimigay ng isang sakong bigas twice a year tsaka may christmas package pa pag magpapasko aba nung sumunod na na elect ulet sya ang kapal na ng mukha kasi ang binibigyan na lang yun mga bumoto sa kanya. Hindi na lahat nabibigyan…

Nagulat nalang din kami nung eleksyon may mga bumoboto na sa brgy namin na actually d naman nmin kilala bilang laki ang magulang at ako dun so malamang majority ng kabarangay namin ay kakilala nmin at isa pa maliit lang ang barangay namin nung chineck ko mga gamit nilang home address ang kapal talaga sagad sagad.

Nagtanung ako sa isa sa diumanong mga residente samin nung tinanung ko kung taga saan sila nagulat kami taga baseco daw sila at mas nakakagulat kasi nalaman namin na dalawang jeep sila na taga baseco hinakot at pinarehistro sa amin para nga maging landslide ang pagkapanalo nila d ako nagsisinungaling maari n’yo yan makita sa masterlist ng comelec.

Akala namin makakaka depensa kami kasi hiningan nmin ng valid id ewan ko sa mga teacher kung anu ang nasa utak they allowed voters na ang gamit ay barangay id well is that a valid id??? Eh anyone can get a barangay ID easily lalo na hawak nila ang brgy dba???

At ang naghahari harian at nagyayabang ang mga kapatid ng chairman na yan madalas nakikipag bungangaan sa mga ka baranggay tapos magyayabang na chairman kapatid nila they even threatened other residents na tatanggalan ng mga bigas etc kung d cla iboboto syempre alam naman natin kapos kaya un ginawa nila panakot tama po ba un??

At aba, napakarami ng properties ng brgy. Chairman lang walang ibang pinagkukuhaan ng income kundi pagiging chairman dalawang kotse (fortuner at d ako familiar sa iba kasi bagong bago pa) may condo unit pa at may house and lot sa cavite sa Crown Asia nako kelangan na ata ipa lifestyle check yan sa kakapalan ng mukha may mga proof kami na pix pati buong pamilya aba anlalakas ng loob gamitin ang sasakyan ng brgy na avanza sa mga personal nilang lakad naka red plate pa man din…

At ung reklamo ni chairman zabarte nung last article nyu about chairman platon ay totoo at maraming nakakasaksi ng kakapalan ng mukha ng pamilya nyan lalong lalo na yang si platon kung maririnig nyo lang mga bunganga ng kapatid nya pag nanunugod maririndi kau e, sila umaasa lang sa baranggay lahat cla halos naka payroll sa brgy …

***

NAIS rin ng e-mail sender na maimbestigahan ng COA ang nangyayari sa barangay ni Chairwoman Platon na aniya, puno ng katiwalian.

Well, mga kabarangay, para sa patas na pamamamahayag, bukas naman ang pitak na ito para sa panig ni Chairwoiman Platon.

Isang Platon na dahilan kaya ang ipadala niya sa atin? Abangan!

***

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *