ILANG Bureau of Customs employees na naka-assign sa Intelligence at Enforcement group ang tinamaan sa ginawang reshuffle kamakailan.
Ang reassignment ng mga operatiba ng IG at EG ay upang madagdagan ang manpower sa mga outport at palakasin ang kampanya laban sa smuggling.
Kung titingnan, maganda ang intention at plano ng balasahan. Pero parang naging drastic at very insensitive ang ginawang reshufffle dahil karamihan sa kanila ay madi-dislocate sa kanilang pamilya.
Hindi kaya isang paraan ito to force them to resign from the service?
Isa pang problema, if they refuse to obey and follow their new assignment, they can be charge AWOL and terminated from the service.
Pwede ba nilang iapela ang kaso nila sakaling makasuhan sila?
Mayroon isang kaso na nangyari noon sa isang babaeng BIR employee na from Manila ay inilipat sa Pampanga kaya hindi na niya ito pinasukan.
Nagrekomenda ang BIR ng dismissal pero umapela sa Civil Service Commission pero natalo rin.
But she fought back. Iniakyat niya ang kaso sa Court of Appeal at doon ay pinaboran na siya.
Ang sabi ng CA: “Because she was constructively dismissed by the said court and therefore must be reinstated with back pay.”
Hinaing ng ilang CIIS agent, maliit na nga lang ang kanilang mga suweldo tapos ay naitapon pa sila sa malayo. Paano pa nila mapagkakasya ang kanyang suweldo sa gastusin sa kanilang pamilya kung dagdag gastos na sila sa kanilang transportasyon, pagkain, house rental sa bagong assignment.
Sana naman ay i-reconsider ng mga nakaupong mga opisyal ngayon sa Bureau of Customs at ‘wag maging INSENSITIVE sa kanila.
Napakasaklap na from Manila ay bigla kang itinapon sa Aparri o Tawi-tawi.
‘Yan ang reporma ngayon sa CUSTOMS!
Ricky “Tisoy” Carvajal