Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nagpagawa na raw ng 2 gown para sa declaration ng National Artist

 
ni Ed de Leon

AYAW naming maging kontrabida na naman sa simula pa lang, pero alam naman namin na hindi idedeklarang National Artist ang sino man, kabilang na si Nora Aunor noong Independence Day, kagaya ng sinasabi ng ilan niyang natitirang fans para patuloy silang mabuhayan ng loob. Alam ba ninyo kung gaano ka-busy ang isang presidente kung Independence day?

Una, kabilang siya sa isa sa mga flag ceremony na gaganapin saan mang panig ng bansa. Ngayon nga nag-out of town pa ang presidente, sa Camarines Sur siya nag-flag raising at iniwan ang higit na mahalagang flag raising ceremony sa Luneta sa Vice President na si Jojo Binay at kay Mayor Joseph Estrada na pinatalsik ng nanay niya noong maging presidente. Lalo ngang nabuhay ang ilusyon ng mga natitira pang fans ni Nora, sabi nila kaya nasa Bicol ang presidente, roon idedeklarang national artist si Nora, eh bakit siya lang ba ang idedeklara? Lahat ba ng idedeklara Bicolano? Hindi namin napanood sa TV ang seremonya sa Bicol, nabastos pa raw ang presidente, sayang nga hindi namin napanood iyon.

Pero noong gabi nang madaanan naming napakadilim ng Cultural Center, alam namin walang ginawang pasinaya, ibig sabihin walang bagong national artist. Isipin ninyo kung si Nora Aunor naideklara at ganoon kadilim sa CCP, paaano pa sila magkikita-kita roon?

Pero hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa. Baka nga raw hindi natuloy kasi nabatos si PNoy sa Bicol, sigurado raw kinabukasan na lang. Pero wala rin. Na-Biernes trese sila. Hindi suwerte sa kanila ang full moon ng Friday the 13th. Ang sumunod na sinabi, may humarang na naman daw kasi.

Pero umaasa pa rin sila ha, baka raw sa July 4 ideklara na. Iyon na nga ang problema eh, hindi ba ang mga Kano ng humuli kay Nora dahil sa kaso ng droga sa kanilang teritoryo?

Natawa nga kami eh. Ang dami naming tawa, siguro mga 59. Dahil nag-post pa saFacebook ang isang writer na Noranian na nagpagawa pa raw ng dalawang gowns si Nora, isa para sa deklarasyon sa Malacanang, at isa para sa pasinaya sa CCP. Ewan kung saan ngayon gagamitin ang gowns na iyon.

Ang advice lang namin sa kanila, huwag nilang pangunahan ang announcement. Ilang beses na ba silang pumalpak, tapos sasabihin nila “mamay, mali ang hula”. Dami talaga naming tawa, 59.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …