Tuesday , November 5 2024

SC final decision

As a father has compassion on his children, so the Lord has compassion on those who fear him. – 103:13

NGAYONG araw malalaman kung pagbibigyan ngSupreme Court ang hiling ni disqualified Laguna Governor E.R. Ejercito na status quo sa naging desisyon ng Commission on Election (Comelec) na sipain siya sa puwesto.

Kapag hindi umayon ang hangin kay ER, wala na siyang pag-asa makabalik pa bilang Gobernador ng Laguna.

Balik artista na lamang siya!

***

AT alam n’yo rin ba mga kabarangay na ngayong araw din nagtapos ang 30-day period na ibinigay ng SC para sa pagsusumite ng kani-kanilang memoranda sa kasongdisqualification naman laban kay dating Pangulong Erap?

Nagsumite na ng kani-kanilang memoranda sa SC ang mga petitioners na sina Atty. Alicia Risos-Vidal, ret. Justice Rodolfo Pallatao at Mayor Alfredo Lim na kinatawan ni Atty. Renato dela Cruz.

Kasunod na nito ang final decision!

MALAPIT NA MANILENYO!

KAYA bibilang na lamang ng araw ang maraming Manilenyo para sa pinakahihintay na desisyon upang matuldukan na ang legalidad ng pagtakbo ng dating Pangulong Erap nitong May 2013 election.

Ang dulo rin naman nito, ang Manilenyo ang magwawagi sa desisyon ilalabas ng SC, lalo na ang mga inapi at pinagkaitan ng libreng serbisyo, mga biktima ng karnaper na nag-aanyong towing services, mga vendors na ginagatasan ng pulis, mga kawaning itinapon dahil sa kulay ng kanilang politika.

***

MGA barangay na ‘ninakawan’ at pinagkaitan ng kanilangReal Property Tax (RPT) shares dahil sa ilegal na Resolution ng City Council para paboran ang kanilang kakampi sa politika.

Mga patrimonial properties na ibinebenta, mga ospital na isinasapribado at iba mga pagpapahirap sa Lungsod.

Harinawa matapos na ang lahat nang ito!

POLITICAL REPRESSION

SA MGA BARANGAY

PANGGIGIPIT sa mga kabarangay natin ang ginagawa ngManila City Council na pagpapasa ng mga Council Resolution para solohing kobrahin ang Real Property Tax (RPT) shares ng mga kaalyado nilang barangay sa politika.

Kung pagsasamahin natin ang RPT shares ng tatlong barangay na binigyan nila ng awtorisasyon ‘nakawin’ ang dapat sana’y naipamahagi sa iba pang barangay, aabot ito sa P168M.

Mahigit 20 barangay naman ang itsinapuwera at nawalan ng RPT shares!

***

SA Barangay ni Chairman Sigfried Hernane ng Bgy 128 Zone 10 mayroon P54M RPT shares, samantala sa Barangay ni Chairwoman Ericka Platon ng Bgy 720 Zone 78 ay aabot umano more or less ng P70M ang kanyang parte sa RPT at sa Barangay ni Chairwoman Analyn Mallari ng Bgy 248 Zone 22, tumataginting na P44M ang kanyang RPT shares.

Sabihin na natin devil’s advocate ang opinyon natin dito, imposibleng hindi mapartehan ang mga kagulang-gulang na Konsehal natin sa Maynila sa inisyatibang ito.

Alangan barangay lang ang makinabang hindi ba Councilor Lacson?!

PAGING COA,

BIR AT DILG!

MALAKING salapi ang sangkot, kaya naman nanawagan tayo sa Commission on Audit (COA) at Bureau of Internal Revenue (BIR), gayon din sa Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang kontrobersyal na usapin ng pag-divert ng RPT shares sa isang barangay.

Kung hahayaan ng ating mga ahensya ng gobyerno na manatili ang ganitong ilegal na aksyon ng konseho, magpapatuloy ang kanilang ‘pagnanakaw’ sa RPT shares na ikinukubli sa porma ng isang Council Resolution.

Kilos naman d’yan!

NARITO ang mga ipinadalang text reaction ng ating masusugid na mambabasa ng Hataw, ang dyaryo ng bayan.

KAWAWANG MAYNILA

Kawa2 po talaga ang mga barangay na nawalan ng parte sa RPT at suwerte naman ng mga barangay na nakakuha ng RPT shares, dahil lamang na sila ay mala2pit sa mga politiko, mas lalong kawa2 ang maynila! —09091733521+++

20% KOMISYON ANG HABOL

NG MTPB TRAFFIC ENFORCERS

Ang ccpag manghuli ng mga traffic enforcers, walang paki-pakiusap dhl hinahabol nila ang quota at 20% komisyon maku2ha, imbes na i-guide sa tama ang mga motorista, puro huli ang gingawa, lumalabas na walang disiplina sa mynila! —092314265+++

OSCA-MANILA,

KILOS NAMAN!

Tama kau chairman santos, marami stores ang hndi kumikila2 ng senior discount, katwiran nla malu2gi cla, kumilos naman sana ang OSCA-Manila sa gnitong problma, thank u po! —093311154+++

PAGING VALENZUELA

MAYOR EX GATCHALIAN!

Paki paging nman po c Valenzuela mayor rex gatchalian, dhil 2 freshmen student ang hindi pinayagan makapag-aral sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) pinagbawalan cla ng dean ng PLV dhil bwal daw ang buntis, habang ang isang estudyante may asawa at hindi kasal ay bwal din! Hindi po ba ang edukasyon ay karapatan at hinde prebilihiyo, naturingan govt skul pero ganito ang kanilang patakaran, tama po ba ito?! —anonymous

***

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *