Tuesday , December 24 2024

Reklamo sa BoC ‘hide & seek’ official (Attn: BoC Comm. John Sevilla)

MAY natanggap tayong report na may isang nagngangaalang Pusita Parohinog ang inirereklamo ng mga broker at importer dahil sa tawag na per container van na nakatalaga diyan sa Entry Processing Division (EPD) ng Bureau of Customs (BoC).

Nagtataka kasi sila dahil bigla na lang sumulpot sa EPD kahit wala namang reshuffle.

Dating nakatalaga raw si Pusita sa bonds division at ipinagyayabang niya na malakas daw siya kay Coll. Mendoza at Depcom Uvero.

Kaya ba may special privilege siya?

Ano na naman ba ‘yan? Palakasan?

Nareklamo na ito noon dahil sa kakaibang diskarte sa mga broker, at ngayon ay ganyan na naman ang reklamo sa kanya.

Parati raw wala sa kanyang mesa, samantala ‘yung mga tauhan niya at assistant niya ay naka-position sa kanilang mesa. Bakit kaya ayaw niyang maupo sa kanyang mesa? Ayaw ba niyang makita ng transacting public ang kanyang kagandahan?

O may kinakatakutan siya?

Madalas lang siya sa isang sari-sari store sa BOC.

Grabe ka naman Pusita, office hour wala ka sa iyong opisina at nagtatago sa iyong lungga?

Ano ba ang ginagawa mo riyan?

Customs Commissioner Sevilla, ipa-monitor mong mabuti ang ginagawa ni pusita.

Nakaaawa naman ang mga broker at importer na malaki ang binabayarang buwis tapos ay matatarahan pa ng per-container.

Dapat din ipa-lifestyle check si Pusita dahil napakayaman na raw at dapat na rin ilipat sa DOF-CPRO para matuto ng ‘daang matuwid.’

DAPAT TULARAN

SI COLLECTOR ROMY MAHOR

Marami na tayong nabalitaan sa Bureau of Customs, pero kakaiba ang isang opisyal na kung nagpayaman lang sa kanyang posisyon siguro ngayon ay hindi pa rin siya maghihirap.

Pero pinanatili niya na mabuhay at maglingkod nang marangal sa BoC.

Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Coll. Romy Mahor.

Na-assign noon sa isang juicy position na special assistant ng Bonded Warehouse ni dating BoC Comm. Salvador Mison, Comm. Willy Parayno at Comm. Tom Apacible.

Malalaking pera ang inio-offer ng mga tiwaling bonded operator sa kanya pero hindi niya ito tinanggap dahil mas gusto niyang mabuhay nang simple. Siya ngayon ay naninirahan lang sa isang 60 sq. meters na bahay.

Ang sabi niya sa akin: “Jimmy aanhin ko ang perang napakalaki kung hindi naman ako makatulog nang mahimbing. Ang mahalaga nairaos namin ang aming anak na ngayon ay isang doktora na.

Napakaraming temptation noong kapanahunan na ‘yun pero tinanggihan ko kaya marami ang nagagalit sa akin na kapwa ko opisyal dahil ‘di ko pinapayagan ang mga baluktot na trabaho. Tama na ako sa ganitong pamumuhay.”

Tumayo ang aking balahibo sa aking narinig dahil meron pa palang huwarang opisyal at empleyado ang BoC na kagaya niya.

Sa totoo lang, pag may gumagawa ng kalokohan sa BoC ay tinitira at ibinubulgar natin. Hindi po tayo namemersonal.

Kaya mag-ingat-ingat lang ang mga ipokrito sa Customs lalong-lalo na ang mga matatakaw at walang kabusugan sa kuwarta.

Tandaan n’yo ito, walang permanente sa mundong ito, kaya huwag kayong gahaman sa pera at kapangyarihan.

Gayahin n’yo si Coll. Romy Mahor, tapat sa kanyang trabaho at hindi pera ang dini-diyos.

Mabuhay & keep up the good work, Sir Romy!

WE LUV U BOSSING JERRY

Belated happy birthday pala sa kagalang-galang at kaaya-aya na Big Boss ng Hataw, NPC ex-officio at ALAM chairman Jerry Yap.

Siya ay isang tunay na mamamahayag at totoong tao. Hindi ugaling mang-agaw ng eksena at kailanman hindi nagtraidor sa kanyang mga kasamahan. Hindi siya inggitero at nanggagamit ng tao bagkus ay tumutulong siya sa abot ng makakaya sa media o sibilyan dahil siya ay may pusong makatao, makabayan at maka-Diyos.

Happy, happy birthday boss Jerry.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *