Saturday , November 23 2024

Pork scammers tablan naman kayo sa banat ni Archbishop Tagle

SA isang forum na inorganisa ng Diocese of Novaliches sa San Vicente de Paul Parish sa Tandang Sora, Quezon City nitong Sabado, ma-damdamin at buong tapang na nagsalita ang muntik nang mapiling Santo Papa na si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal G. Tagle laban sa grabe nang korupsyon sa bansa.

Partikular na inupakan ni Tagle ang mga sangkot sa multi-billion pork barrel fund scam na kinabibilangan ng ilang senador at kongresista.

Pakinggan at damhin ninyo ang mga sinabing ito ni Archbishop Tagle.

“Yang mga mga nagnakaw ng pera ng bayan ang lakas ng loob nyo. Ang tapang ng apog. Very brave.”

Sabi ng Archbishop, hindi ganitong klase ng katapangan ang hinihiling ng Catholic Bishops of the Philippines sa mga namumuno sa ating bayan.

“Hindi ganyang uri ng tapang ang hinihingi sa atin. Gamitin ang katapangan sa pagiging mabuti. Kung bakit naman kung kelan tayo tinatawag na maging maka-Diyos, naduduwag. Kapag tinatawag maging makabuhay, naduduwag. Kapag tinatawag maging makatao, makabayan, makakalikasan, naduduwag. Pero para sa kalokohan pagkatapang-tapang at very creative. Lahat nagagawan ng paraan para sa kasamaan.”

Sabi pa ng opisyal ng Archbishop: “Ang bansa ay uhaw sa good governance.”

Ang good governance o mabuting pamumuno, ayon kay Tagle, ay kailangan para maibalik ang pagtitiwala ng mamamayan sa kanilang mga lider at institutions.

“Ito ang kailangan ng buong Pilipinas at ng buong daigdig… so be trustworthy and help restore trust in the world.”

Kung ako kina Senador Tanda, Senador Sexy at Senador Pogi, pag pinaringgan ako ng ganitong panananalita ng isang opisyal ng Simbahan, mabilis pa sa alas-kuwatro ay magre-resign ako at hihingi ng tawad sa Panginoon, sa taong ba-yan at sa pamilya’t mga kaibigan.

Kaso, hindi ako sila e… talagang ang kapal ng apog ng mga letseng mambabatas. Sila pa nga ang matatapang at ang lalakas ng loob ipagsigawan sa publiko na “WALA AKONG NINAKAW KAHIT ISANG KUSING SA KABAN NG BAYAN!”

Samantala sa bibig na nila mismo paulit-ulit nating narinig na sinuhulan sila ng tig-P50-M para lang i-impeach si ex-Chief Justice Renato Corona, ‘di ba?

Kunsabagay, hindi nga naman isang kusing ang P50-M. Mga bwisit!

Marcos, Miriam nangunguna

sa FB survey for president

Nitong Sabado ay sinubukan kong mag-survey sa FB friends ko kung sino ang gusto nilang maging pangulo after ni P-Noy.

Ibinigay ko ang pangalan nina Miriam Defensor-Santiago, Jojo Binay, Mar Roxas at Manny Villar.

Hindi ko isinama ang pangalan nina Bong Bong Marcos, Rodrigo Duterte, Erap at Leny Robredo (misis ni late DILG Sec. Jesse Robredo).

Aba’y akalain mong ang lumabas na paborito ay si Marcos na as of yesterday afternoon ay nakakuha na ng 30 votes, sumunod si Miriam na may 20 votes, Duterte 2, Binay 2, Villar 2, Erap 1, Robredo 1.

Pero mas marami ang ayaw nang bomoto. Puro raw corrupt ang mga tumatakbo. Gano’n?

Pero gulat talaga ako kay Marcos. Mukhang siya ang susunod na pangulo ng bansa. Na-realize na yata ng mga Pinoy ang unlad ng buhay noong ang ama ni Bong Bong ang presidente ng Pinas, na ang lahat ng kriminal at magnanakaw sa gobyerno ay nakukulong.

Anyway, matagal pa naman ang 2016 at wala pang nagdedeklara na tatakbong presidente ma-liban kay Binay.

Salamat sa cooperation my dear FB friends. Bukas uli…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *