HABANG pinapanood ko kahapon ng umaga ang programang “Magpayo Nga Kayo” ni Atty. Dean Amado Valdez sa DZMM-ABS CBN Teleradyo, na ang isyu nila ay tungkol sa umano’y “selective” na imbestigasyon at mga kinasuhan sa multi-billion pork barrel fund scam, naisipan kong mag-status o magtanong sa aking FB friends.
Nag-iwan ako ng status: ‘Kabayan, FB friends, survey na tayo for president (2016): Kanino kayo? Miriam, Mar Roxas, Jojo Binay o Villar?
Nakalimutan kong isama rito ang pangalan ni Senador Bong Bong Marcos.
After few minutes, nagulat ako. Sa unang 30 FB friends ko na nag-comment, nanguna si MARCOS! Nakakuha agad siya ng 15, sumunod si Miriam, 10; Roxas, 7; Villar, 5; Binay, 2. The rest ayaw nang bomoto. Puro na raw magnanakaw ang mga politiko. Oo nga, hehehe…
Check ko uli ngayong tanghali ang resulta ng aking survey at makikita n’yo bukas sa kolum na ito ang resulta.
Exciting ito. FB friends, mabuhay kayo!
12-anyos dinukot, isinakay
sa closed van PZI 495
sa Navotas City
Umiiyak na tumawag sa akin kahapon si Mrs. Rowena Paez ng C-3 sa may tulay, sakop ng Navotas City.
Ayon kay Rowena, kinuha raw ng ilang kalalakihan ang kanyang pamangkin na si Rovic Martinez, 12-anyos, at isinakay sa KIA closed van na puti (PZI 495). Kaagad raw silang nagtungo sa presinto uno ng Navotas Police. Ang sabi lang daw sa kanila ng pulis ay “Ibabalik din ‘yun, menor de edad e.” Tapos pinagturu-turuan na raw siya ng pulis kung saan-saang presinto.
Mali ang ganitong reaksyon ng pulis. Dapat ay ipinaalerto nila ang naturang KIA closed van na kinargahan ng bata. Paano kung hindi pulis at sindikato ang kumuha doon sa bata?
Dapat itong paimbestigahan ng hepe ng Navotas PS-1 lalo na ng hepe ng Navotas Police.
Brgy. officials na tulak
ng shabu sa Tacloban City
– Mr. Venancio, salamat po sa expose nyo tungkol sa mga tulak dito sa amin. Wala na po ang Army sa Bliss 1, yung nagdadala ng shabu sa Bliss 2. Lumipat na sa V@G. Pero may isang pamilya pa na dati nakatira sa San Lorenzo Ruiz na nasa Regina Subd. na ngayon ang nagtutulak parin ng shabu dito sa Brgy. 74 Nula-Tula, Tacloban City. Galing Tacloban City Jail ang supply ng shabu nila. Dati siyang barangay secretary. Sana magkaroon ng random drug test po ang mga barangay officials pati mga tanod sa Brgy. 74 at Brgy. 3. Kasi tulak din ng shabu ang isang opisyal sa Brgy. 3. Taga-Regina Subd. ng Brgy. 74 ang tulak ng marijuana at shabu. Nagtatrabaho sya sa agriculture. Marami na po mga bata ang nagiging adik dito dahil sa mga tulak na ito. Sana maaksiyunan agad ito ng pulisya. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen
Ang tulak at pulis
sa Caloocan City
– Sir Joey, talamak na ang bentahan ng shabu sa Libis Espina Brgy. 14, Caloocan City. Ang kilalang tulak po rito ay nagngangalang “Ronel” na syang nagtutulak dito sa aming lugar. Bata-bata raw po ito ng pulis na si SPO1 Ramos ng Caloocan Police. Pamanmanan nyo nalang po. – Concerned citizen
Paslit runner ng shabu
sa Zapote, Bacoor, Cavite
– Sir Joey, sa Zapote 1, Bacoor, Cavite ay may eskinita dun na grabe ang bentahan ng shabu sa naturang lugar. Para kalang bumibili ng kendi. Lahat ng pumapasok sa lugar na yun may bantay sa papasok dun. Bata ang kanilang runner dun. Dapat po magsagawa ng raid dito ang PDEA. Pls don’t publish my number.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio