Friday , December 27 2024

B. Pineda financier nga ba ng Liberal Party?

TILA may katotohanan ang mga bali-balitang isa ang pamosong jueteng lord na si B. PINEDA sa mga bigating supporters at campaign financiers ng Partido Liberal na puspusan ngayong nangangalap ng pondo para sa nalalapit na 2016 presidential elections.

Ayon sa ating mga sources, isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y gumitna sa ginanap na usapan sa isang cofffe shop sa Makati City sa pagitan ni PINEDA at ng isang mataas na opisyal ng gabinete ni PNoy.

Nauna umanong dumating ang nasabing heneral ng PNP sa JEEPNEY Coffee Shop sa Intercon Hotel isang araw ng Biyernes. Kasunod si Pineda makaraan ang 15 minuto.

Nag-usap umano ang heneral at si Pineda nang halos kalahating oras at matapos ay dumating ang cabinet secretary na kinilala lamang sa bansag na BOKAL.

Naging mabilis umano ang pag-uusap ng tatlo na may kinalaman umano sa role na gagampanan ni PINEDA para sa PARTIDO LIBERAL sa darating na 2016 presidential elections.

Hindi na umano tinapos ni Mr. Secretary ang pagkakape at agad nagpaalam. Mahigpit na ibinilin na si General na lamang ang bahalang magdetalye pa ng mga mapag-uusapan. “Approved” na umano ang agenda ng meeting, pangisi pang pagpapaalam ni Mr. Secretary kay Pineda at sa PNP General.

Naispatan din sa nasabing hotel nang umaga ring iyon ang isang alias R. Ocampo na iniulat na balae naman ni Pineda.

Base sa pagkakaalam ng inyong lingkod, ang magiging standard bearer na Liberal Party para sa 2016 presidential elections ay si DILG Secretary Mar Roxas.

Malaki ang papel ng tanggapan ni Roxas sa business interest ni PINEDA dahil hawak ng DILG ang pulisya na dapat sana’y humuli sa ilegal na operasyon ng pa-jueteng ni PINEDA.

Kung ganitong may alyansa ang pulisya at isang jueteng lord na gaya ni PINEDA, tama si Archbishop Oscar Cruzsa kanyang alegasyon na may basbas ang PNP pagdating sa operasyon ng jueteng.

Kung kayang magkita ng isang police general at isang jueteng lord sa isang 5-star hotel sa Makati , ibig sabihin lamang na hindi sila natatakot o naiilang na makita ng publiko na magkasama.

Idagdag pa ang pagsama sa kanila ng isang opisyal ng gabinete ni Pangulong Aquino sa iisang mesa.

Kapag pera na talaga ang usapan, nawawala ang delicadeza ng isang tao. Considering na hindi lamang milyones ang usapan kundi posibleng umabot ng bilyones segun sa mapagkakasunduan.

Ano naman kaya ang magiging kapalit ng bilyones ni PINEDA mula sa kampo ng Liberal Party (LP)?

Maaalaala na hindi lamang noong 2004 electionspinondohan umano ni PINEDA ang reelection bid ni former President Gloria Macapagal Arroyo na kumare at ‘cabalen’ ng acknowledged jueteng king kundi maging ang senatorial bid ni GMA naging topnocher siya noong 1995.

Pati ang pagtakbo ni Arroyo sa pagka-bise presidente noong 1998 katambal ang dating House Speaker Joe De Venecia sa LAKAS-CMD ay si PINEDA rin umano ang nagpondo.

Sa labanang ito, namangka sa dalawang ilog si Pineda. SiErap Estrada na kapitbahay naman ng mga Pineda sa Greenhills, San Juan at ninong ni Jinggoy Estrada ang pinustahan ni Pineda.

Kapwa nanalo si Estrada at Arroyo noog 1998 presidential elections.

Makaraang manalo sina Erap at GMA, umalagwa ang jueteng empire ni PINEDA samantala napunta naman ang jai-alai kay DOUBLE A., ang matalik na kaibigan ni Erap at mahjong buddy na si Chavit Singson ay naitsapuwera… and the rest is history.

Tila gustong buhayin at ulitin ng bright boys ng Liberal Party ang kasaysayan.

Ang jueteng king ay nais nila muling maging KING MAKER. Nais ng partido Liberal na muling magmilagro si BONG PINEDA at iluklok sa poder ang kanilang ‘manok’ na si MAR ROXAS sa 2016 gamit ang jueteng money.

Hindi ito imposible dahil kung si Erap ay napatalsik nang dahil sa jueteng, dahil din sa jueteng maluluklok ang sinomang gawaran ng ‘basbas’ ng grupo ni PINEDA.

Tama po ba Mr. Butch Abad at R. Petrasanta?

Hehehe…ang buhay nga naman, parang gulong. PAIKOT IKOT lang.

Kawawang JUAN DELA CRUZ, kasama kang pinaiikot ng mga tarantado!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag-txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *