Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Damage control ni Jinggoy, bigo

INATAKE na naman ni Sen. Jinggoy Estrada ang media sa kanyang privilege speech kamakalawa dahil sa hindi raw patas na pag-uulat at pagdidiin sa kanila nina Sens. Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla sa P10-B pork barrel scam.

Pero wala naman tayong narinig na nagkondena sa kanya dahil halata naman na binira lang ni Jinggoy ang mga taga-media na wala sa “payroll” ng kanilang kampo.

Ibig sabihin, kunwari ay galit siya sa lahat ng taga-media para hindi mahalatang may mga binabayaran siyang tagapagtanggol ng kanyang katiwalian.

May mga nakarating na impormasyon sa atin na dalawang opisyal ng isang media organization cum publicists ang suki sa mansiyon ng kanyang amang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa Sta. Mesa tuwing araw ng Linggo.

Noon pa mang naka-house arrest si Erap sa Tanay, ang may alyas na “Pol Panot” na pindejo ang humahawak sa publisidad ng mga Estrada, habang noong nakaraang taon naman ay kinaray na niya si alyas Ahan “Ponga” Chen para pamunuan ang isang organisasyon sa media na si-yang dedepensa sa mag-amang Estrada at iba pang sabit sa pork barrel scam.

Hindi barya kung maningil sa kanilang kli-yente ang dalawang damuho kaya tiyak na malaki ang ‘isinuka’ ng mga mandarambong na politiko para makapagbangong-puri.

Ngunit hindi nagtagumpay ang kanilang da-mage control operations dahil interes ng taong bayan ang kanilang sinagasaan at naniniwala ang publiko na GUILTY sa kasong pandarambong ang mga kliyente nila.

SLEEPING WITH THE ENEMY

SI BOC DEPCOM DOLLOSA?

HINDI tayo makapaniwala na ang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ngayo’y Customs Deputy Commissioner Jesse Dellosa ay kayang paikutin ng isang “Gollum-nista” na kalaban ng administrasyong Aquino.

Balita natin, isang “Gollum-nista” (aka Pa-not) ang humahawak sa publisidad ni Dellosa sa Aduana at umaastang broker para makalusot ang ilang mga nilalakad nilang kargamento.

Ngunit baka hindi alam ni Dellosa na si “Gollum-nista” ay isa sa mga kaututang-dila ni Erap sa kanyang mansion sa Sta. Mesa sa pagpa-plano ng destabilisasyon laban kay PNoy tuwing Linggo.

Sa pagkakaalam natin ay sa administrasyon ni PNoy naging APF chief of staff si Dellosa at Customs DepCom, kaya ayaw nating maniwala na sa kanya nagmumula ang kabuhayan ni “Gollum-nista” na kasabwat sa destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino.

Hindi ba “sleeping with the enemy” ang tawag dito?

HABULIN ANG MGA NINAKAW

NG PORK BARREL SCAMMERS

TILA napakabagal ng administrayong Aquino sa paghahabol sa mga nakaw na yaman ng mga sangkot sa P10-B pork barrel scam.

May mga ulat na halos lahat ng bank account nila ay simot na at posibleng inilipat na sa ibayong dagat.

Kung gaano kasigasig ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Ombudsman sa pagbusisi at pagpa-freeze sa mga kuwestiyunableng yaman at ibinayad na buwis ni dating Chief Justice Renato Corona at kanyang pamilya, siya namang kupad nila sa mga “ill-gotten wealth” ng mga pork barrel scammers.

Kaya siguro ngising aso sina Pogi, Sexy at Tanda ay dahil alam nilang wala nang mababawi ang gobyerno sa mga ninakaw nila sa kaban ng bayan dahil mabilis pa sa alas-kuwatro nilang naitago ito sa ibang bansa.

Pruweba na lang sa kapalpakan ng pamahalaan ay matapos ang pitong taon mula nang hatulan si Erap ng Sandiganbayan ng GUILTY sa kasong PLUNDER noong 2007 ay P307 milyon pa ang hindi niya naibabalik sa kaban ng bayan.

Kung ganito ang sistema ng hustisya sa bansa, paano tayo makakaasa na makakamit natin ang katarungan at mapapanagot ang mga mandarambong na opisyal ng bansa?

FR. ROBERT REYES BFF

NI FR. ROBERT REYES?

SA rami naman ng lugar na puwedeng ilunsad ng “running priest” na si Fr. Robert Reyes ang kanyang “anger strike” kontra-pork barrel, bakit kaya sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall niya napiling gawin ito?

Ayaw naman natin isipin na ang Bonifacio Shrine ay abot-tanaw lang ni Erap mula sa Manila City Hall, na binisita ni Fr. Reyes noong nakaraang buwan ng Pebrero bilang pagsuporta sa relokasyon ng Pandacan oil depot.

Kung may adbokasiya laban sa pork barrel ang running priest, nang magkita kaya sila ni Erap ay sinermonan niya ito o binigyan ng “mo-ral support” hinggil sa anak na si Jinggoy na sabit sa pork barrel scam?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …