Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, nahihilig sa pagca-casino (Poging model, pantasya ni gay matinee idol)

KAPANSIN-PANSIN na nadadalas ang magaling na aktres sa Resorts World Casino. Hindi para mamasyal o manood ng sine o may ka-meeting.

Ayon sa isang mole sa Resorts World Casino, madalas doon ngayon ang aktres dahil nahihilig ito sa paglalaro ng sugal.

Akala ng ating mole noong una niyang makita ang aktres ay pampalipas-oras lamang ni aktres ang paglalagi sa casino dahil nasabi nitong may hinihintay na ka-meeting.

Pero nang sumunod na araw ay muli niyang nakita si aktres na naglalaro at nadadalas na iyon ha!

So, ang tanong? Naaadik na rin ba si magaling na aktres sa pagca-casino? Well… (HNT)

Poging model, pantasya ni gay matinee idol

BISTADO na ang isang poging model na matagal nang pantasya ng isang gay matinee idol. May “sideline” din naman pala iyon.

In fact pinatulan daw niyon ang isang milyonaryong gay realtor from the south. Mukhang kaya lang niya inayawan ang gay matinee idol ay dahil masyadong buko nga ang mga love affair niyon.

At saka baka hindi nga afford ang rate niya. Mahirap na nga naman ang bulgar lalo na ang ginagawa ngayon ng ilang gay celebrities na ibinibisto pang pilit ang mga naka-affair nila pagkatapos.

ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …