Friday , December 27 2024

Sino ang aaresto kina Juan, Jinggoy at Bong?

Inaasahan na ngayong linggo ay lalabas ang arrest warrant laban sa tatlong senador – isang dating lider ng kudeta at dalawang artista – ng Republika ng Pilipinas.

Akusado sila ng kasong pandarambong o plunder, paglustay sa salapi ng bayan.

It’s all about P10-billion pork barrel fund scam masterminded by Janet Lim-Napoles, isang gra-duate ng technical course sa Samson Institute of Technology na nabilog ang ulo ng mga beteranong mambabatas dahil sa malaking komisyon!

Sina Senador Juan Ponce Enrile, isang batikang abogado na naging Justice at Defense Secretary noon ni late dictator Ferdinand Marcos; Jinggoy Estrada, isang action star na anak ng aktor at convicted plunderer/impeached Pre-sident Joseph “Erap” Estrada na alkalde ngayon ng Maynila; at Ramon “Bong” Revilla Jr., isa rin action star na anak ng aktor din na si Ramon “Agimat” Revilla, Sr., na minsang naitalaga sa DPWH noong panahon ni Gloria M. Arroyo, nagpahayag na handa silang paaresto ‘pag inihain ang arrest warrant.

Ang tanong: Sino kaya sa mga opisyal ng pulisya ang aatasang umaresto sa tatlong senador?

Si Enrile, senador na noon, nang labasan ng arrest warrant sa kasong kudeta noong panahon ni late Pres. Cory Aquino, nagpulong sina noo’y AFP Chief Fidel Valdez Ramos, then PC-INP Chief Ramon Montano at ex-NBI Director Alfredo Lim.

Tinanong daw ni Ramos si Montano kung kaya niyang arestohin si Enrile. Ang sagot daw ni Montano, kailangan niya ng isang tangke de giyera dahil mayroon daw 20 loyal bodyguards si Enrile na armado ng malalakas na armas at marami raw mabibigat na armas sa kanyang bahay.

Nang tanungin naman ni Ramos si Lim kung kaya niya si Enrile, ang sagot ni Lim ay kailangan niya ng isang police mobile at uniformed policemen. Aabangan at aarestohin n’ya raw sa harap ng Rizal Monument sa Luneta Park pagkagaling sa Senado.

Sa madali’t salita, kay Lim ibinigay ni Ramos ang arrest warrant. Ang ginawa ni Lim, sa Senado niya pinuntahan si Enrile. Hinintay niyang matapos ang session habng nagpi-privilege speech ang dating Defense Sec. ni Marcos.

Hinintay ni Lim si Enrile sa opisina ni late ex-Senate Pres. Jovito Salonga. Maayos daw na sumama si Enrile kay “Dirty Harry” sa NBI.

Sa van pa ni Enrile na puno ng bodyguards na naka-Uzi sumakay si Lim papunta sa NBI Headquarters.

Kulong si Enrile.

Hindi na bago sa kulungan si Enrile. At sa tingin ko, sa edad niyang 90-anyos, hindi na siya pahihirapan o patatagalin sa kulungan. Depende sa konsensya ng Sandiganbayan.

Si Jinggoy naman ay almost two years din yata nakulong noon sa kasong plunder, kasama ng kanyang tatay Erap. Napawalang-sala lang siya dahil walang matibay na ebidensyang nagdidiin sa kanya.

Samantala si Erap ay nahatulan ng kulong habambuhay, pero napalaya naman sa pama-magitan ng presidential pardon ni GMA.

Ngayon si GMA naman ang naka-hospital arrest sa plunder case din sa PCSO fund scam. Wawang ale, payat na doon sa VMMC.

Si Bong, nakulong na rin siya nang mara-ming beses, sa pelikula nga lang. Pero sa tunay na buhay, ‘pag minalas-malas, ngayon n’ya pa lang mararanasan ang init at baho ng loob ng kulungan. Handa na rin naman daw siyang makulong.

Pero bakit kandaugaga ang kanyang abogado sa paghabol ng mosyon para huwag labasan ang arrest warrant si Amazing Kap?

Anyway, sino kaya sa mga pulis ang tatayo para arestuhin ang tatlo? Si PNP Chief Alan Purisima ba? Si CIDG Director Benjamin Magalong ba? O si NBI Dir. Mendez?

Abangan!

Reklamo sa kawalan

ng NFA Rice

sa Sangley Point, Cavite

‘YUNG nag-text sa akin, may celphone #0909900… mula sa Sangley Point, Cavite, paki-text po uli at pakilinaw kung saan erya kapos ang suplay ng NFA Rice. Tumawag po kasi sa akin ang taga-NFA Cavite para alamin kung saan partikular na lugar kinakapos ang suplay ng naturang bigas upang kanilang magawan ng report at maaksiyonan. Pls text again, suki.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *