PATULOY pa rin ang reporma sa Bureau of Customs, kamakailan ay nagkaroon ng malawakang reshuffle sa hanay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).
Apektado ang mahigit 100 intelligence operatives sa lahat ng pantalan ng BoC.
Ayon Kay BoC DepComm Intelligence Group (IG) Jessie Dellosa, ginawa ang balasahan upang palakasin ang kanilang kampanya laban sa smuggling at maiwasan na rin ang familiarity ng CIIS agents sa mga broker at importer.
Malaki pa rin ang problema ng Customs sa revenue collection and every time they failed they blame the smugglers.
But remember, lahat ng mga naka-assign sa mga sensitive position ngayon sa Customs ay trusted (military) men ng Secretary of Finance. And their job is to create measures or systems on how to stop smuggling and ensure proper revenue collections.
But in my point of view, tila may mas malaking issue rito. Mukhang hindi lang reporma ang ginagawa ngayon sa Customs. Hindi ba kayo nagtataka bakit patuloy pa rin ang pagbatikos at negative issues sa customs?
Puro na lang ang kasamaan ng Customs ang ipinakikita sa taong bayan. Hindi kaya conditioning of the mind ito para itulak ang PRIVATIZATION ng Customs?
May nabasa na ba kayong maganda tungkol sa Customs sa kabila ng repormang ipinatutupad nila?
‘E hindi ba mga bagong opisyal na nila ang inilagay nilang magpatakbo ng Customs sa nakaraang pitong buwan?
Bakit hindi sila ang sisihin ngayon sa mababang koleksyon ng BoC?
Ricky “Tisoy” Carvajal