BILYON pala ang nawalang buwis sa plastic resin smuggling kaya pala isang TINA U ang sina-bing nagmamay-ari na rngayon ng isang mala-king subdivision sa Forbes South Tagaytay sa Silang Cavite.
Ang tindi pala nitong resin smuggler na si TINA na dati lang sumasama sa mga auction ng mga plato, kutsara, tinidor at baso pero ngayon ay iba’t ibang luxury cars niya ang idini-display sa Bureau of Customs (BoC). Para siyang reyna na may tagabitbit pa ng bag kapag nasa BoC siya.
Ito ang kinasusuklaman ng legit importers na kanyang mga kasosyo dahil tinatakasan at ipinapahuli niya ang mga kargamento nila para masulot at mapunta sa kanya.
Ang tindi ni TINA at ng kanyang mga anak na sina BEBANG at GERY dahil pati si retired gene-ral Abadia ay kanilang pinangangalandakan.
Number one name dropper pa ang bruha sa BoC.
Si TINA U ay bukod tanging smuggler na may santambak na police bodyguards.
‘Di ba bawal sa batas ang pagbibigay ng proteksyon sa isang smuggler na nagpapahirap sa ating bayan?
Ito ang dapat silipin ni BIR Commissioner Kim Henares ang number one plastic resin smuggler na na nagpapahirap sa ekonomiya ng ating bansa.
Panahon na para imbestigahan ni Pangulong Noynoy at ng mga Senador si TINA U, ang Janet Napoles ng Customs!
TANDEM
NI DONYA DORAY
AT KENET KAWSON
SA CAR SMUGGLING
BOC Comm. John Sevilla, grabe na pala ang isang tauhan n’yo na si alias Donya Doray na tandem ni Kenet sa car smuggling dahil ilan daw sa binabayad niyang kotse ay galing sa mga outport. Paimbestigahan n’yo Mr. Commissioner.
Kaya pala lagi raw nalalaglag ang kanyang bundle-bundle na pera kapag nagbibilang sa kubeta d’yan sa BoC .
Kailan kaya kakalusin ni Comm. Sevilla ang smuggling activities ng dalawa?
LIBLIB NG BOC
Maraming nagtataka bakit ‘yung mga naka-tago sa mga liblib ng Bureau of Customs na nagpapahirap sa mga broker at importer ay sila pa rin ang namamayagpag at nag-o-overtake policy.
Ang mga liblib na taguan sa loob ng customs ay pinagtatakhan ng mga broker at importer dahil sila pa rin daw ang mga nananakot upang makapangotong.
Sila pa rin ang mga tinatawag na anay sa BoC dahil patuloy pa rin ang luho at kapritso sa buhay.
Dapat buwagin na ang mga liblib na lugar na nakatago sa BoC.
May nagsabi pa sa akin na dapat sila ang ilagay sa CPRO dahil nagkamal na sila ng mala-king salapi noong panahon ng dating administrasyong Arroyo.
Dapat mamulat at buwagin na ni Comm. Sevilla ang mga liblib na opisina na nakatago at kom-pleto pa sa CCTV.
Kilos na Comm. Sevilla!
BOC CONTRACTUAL EMPLOYEE,
TONGPATS SA OIL SMUGGLING
Tumitindi na raw ang oil smuggling sa Bataan at Subic na pinamumunuan ng isang kontrak-twal employee at No. 1 namedropper ng BoC.
Nagkukunwaring malinis ang 5-6 kontraktwal employee at ipinangangalandakan pa ang pangalan ni ret. Gen. Dellosa sa kawalanghiyaan niya.
Pero siya pala ang kolektong sa smuggler na si Dennis Lee at iba pang mga player sa BoC.
Bulok ang diskarte ng mamang ito, kunwari magbibigay ng INFO kay IG DepComm. Dellosa pero ‘yun pala siya ang nagmamaniobra ng oil smuggling sa Subic at Bataan.
Style niya ‘yung hindi pumapasok ng Bi-yernes para mangolektong sa mga outport.
Ipinangangalandakan pa niya na siya raw ay nasa tuwid na daan.
Anak ka ng tipaklong, ang tindi mo! Napaka-BOLERO mo!
DUMARAMING REKLAMO
KAY KINTANA NG X-RAY MICP
Ang daming nagrereklamo mula sa mga broker at importer sa hepe ng BOC X-ray sa MICP na si Kintana.
Hinaing ng mga broker ay malakas daw tumara sa kanila.
Aba akala ko ba no take policy ‘yun pala overtake policy pala diyan sa X-Ray MICP?
Comm. Sunny Sevilla, pwede bang ipa-mo-nitor mo ang pinaggagawa ni Kintana sa kanyang area of responsibility?
Jimmy Salgado