Friday , December 27 2024

Magnanakaw na mga politiko, ikulong!!!

NGAYONG linggo, malalaman ng madlang people kung may makukulong sa mga politiko at opisyal ng gobyerno na nangulimbat ng limpak limpak na kwarta sa kaban ng bayan.

Partikukar na inaabangan ang pagkakulong ng maaangas na senador na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr..

Sabi ng mga batikang artistang mambabatas na sina Jinggoy at Bong, handa silang makulong kapag nilabasan ng arrest warrant ng Sandiganbayan.

Pero kandaugaga sila ngayon sa pagsumite ng mosyon para hindi sila labasan ng arrest warrant.

Inosente raw sila at hindi sila nagnakaw kahit singkong duleng sa kaban ng bayan. Weee…

Banat pa ni Jinggoy, minadale ang pagsampa ng kasong plunder laban sa kanila. Inihahabol daw kasi sa SONA ni P-Noy.

E, hindi ba’t halos mag-isang taon na itong P10-B pork barrel fund scam na pinagbibidahan nilang tatlo? Ilang buwan nga itong inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi nila sinipot, di ba?

Panay ang birada nila na minadale, inosente, politika lang…, e nang idiin nila noon si ex-CJ Renato Corona sa kasong pagsisinungaling sa SALN (na sila man ay very obvious na nagsinungaling din sa kanilang net worth) hindi ba’t minadali rin nila ang pagpatalsik sa dating Punong Mahistrado?

Mabuti pa si Enrile, hindi nalang umiimik. Hinihintay nalang niya labasan siya ng arrest warrant. Tutal nga naman 90-anyos na siya, hindi na siya mabubulok sa bilangguan. Maari niyang hilingin sa husgado na for humanitarian reason ay palayain nalang siya o i-house arrest o hospital arrest nalang tulad ni ex-Pres. Gloria Arroyo.

Mga kababayan ko, tama lang at dapat na makulong ang mga politiko at opisyal ng gobyerno na nagpasasa sa kaban ng bayan. Magdusa silang mga mandarambong! At dapat kumpiskahin ang kanilang ninakaw na yaman!!!

Atat nang makabalik

si Mayor Lim

– Gud pm. Sir Joey Venancio, honest supporter po ako ng butihing mayor na si Alfredo Lim. Taga-Concha st., Tondo lang ako. Puede po ba tayo manawagan sa Comelec para naman po manaog na ang resolution ng kaso ukol sa disqualification ng dayuhan nakaupong mayor sa Maynila? Puro kasi ito pahirap sa mga taga-maralitang lungsod. ‘Di lang pala sa mga pinagawa ni Mayor Lim na ospital ang may bayad sa panahon ng nakaupong mayor ngayon, kundi sa mga health center po ay may bayad na rin eh! Anak ng baka naman talaga yan nakaupong mayor ngayon. Malaking perwisyo talaga yan dito sa Maynila. Maraming salamat po sa inyo, Mr. Venancio. Mabuhay kayo at pagpalain ng Diyos. God bless u po. – Frank of Concha, Batang Tondo, 09321971…

Ang disqualification case laban kay Erap ay nasa mga kamay ng Korte Suprema at hindi po sa Comelec. Ito’y nakatakda nang desisyonan, marahil ngayong buwan. Hintayin na lang po anuman ang maging desis-yon ng Kataas-taasang Hukuman.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *