Wednesday , November 6 2024

Gambling lords na mga pulis sibakin sa serbisyo!

LAMANG at naglilinis ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay, naghihigpit ng mga polisiya laban sa mga ilegal na sugal, malakas kong iminumungkahi na sibakin ang mga pulis na sangkot sa mga ilegal na sugal – protektor at lalo na operator!

Sa Manila Police District (MPD) lamang ay napakaraming pulis na sila mismo ang operators ng mga bookies ng karera/lotteng/ending at video karera. Tulad nitong sina Ver Navarro at Mike Pornillos na kilalang-kilala na sa pagiging illegal gambling operators at kolektor pa ng mga opisyal sa buong Maynila.

Aba’y hindi na nagtatrabaho ang mga pulis na ‘yan kundi binabantayan na lang ang kanilang mga ‘butas’ sa takot na salakayin ng kapwa rin nila mga pulis. Pero patuloy po silang sumusuweldo sa PNP!

Ginagamit na lang nila ang kanilang tsapa at uniporme para proteksiyonan ang mga ilegal nilang hanapbuhay! Wala na silang KARAPATAN MAGING PULIS!

DILG Sec. Mar Rojas, PNP Chief Alan Purisima, PNP-IAS, pagsisibakin n’yo na po ang mga pulis na gambling lords! Dahil hindi sila magandang ehemplo sa mga bata at bagong pulis na pumapasok.

Sabi nga ni PNoy, linisin n’yo na ang inyong hanay Gen. Alan Purisima!!!

Paranaque Mobile Police 345

gamit sa kolektong!

– Mr. Venancio, ang Police Mobile 345 na Innova ng Paranaque Police ay araw-araw nasa gilid ng Baclaran at Coastal Mall kumukuha ng tong sa mga vendor at illegal terminal sa Baclaran. Nakakahiya sila. Police Mobile pa ang gamit sa pangingikil. Pwe! – 09362649…

Shabu at marijuana talamak na

sa Lower Bicutan, Taguig City

– Mr. Venancio, sana po maaksiyunan ng PDEA at NBI ang talamak na bentahan ng shabu at marijuana at cara y cruz na minsan ay nagkabarilan… buti lang walang tinamaan. Dito po yan sa Lower Bicutan, Taguig City, sa Pangilinan at Pio Felipe Sts. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Bihis pulis, nagpapakilalang

MMDA nangongotong

sa Eliptical Road

– Kalayaan gabi-gabi

– Report ko po dito sa Eliptical Road at Kalayaan, gabi-gabi ay mayroon ditong naka-bihis pulis (blue) pero nagpapakilalang taga-MMDA na nanghahabol ng mga delivery van gamit ang kanyang motorsiklo na may red plate #7394. Nakikita namin yan dito mula 11pm hanggang 4:00am. Hinaharang at hinahabol niya ang mga delivery van para takutin at kotongan. Sarap nga niyang sagasaan e. – 09066423…

Modus ng mga pokpok

sa Avenida (Sta. Cruz, Manila)

– Kuya Joey, nais ko lang iparating sa mga barangay at pulis sa nasasakupang lugar ng Claro M. Recto sa Avenida (Sta. Cruz, Manila) yung mga bugaw at pokpok nagkalat dyan at nanghaharang ng mga inosenteng dumadaan, aalukin ka ng babaeng pokpok ng P200 lang, papasukin ka sa motel, tapos dun ka na yayariin ng holdap. Kukunin yung pera mo tapos baba ka na. Ganyan po ang nangyari sa akin dyan. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Biktima ng pokpok sa Recto-Avenida

O, babala ito sa mga lalaking matatakaw sa “monay.” Pag inalok kayo ng mga pokpok sa Avenida, sabihin n’yo wala kang datung para hindi ka na nila kulitin or else baka magaya ka sa nangyari sa ating texter. May mga STD pa naman ang mga pokpok d’yan sa kalye ng Avenida-Recto. May mga kontak silang holdaper. Pag sumama ka sa kanila sa motel, do’n ka sa loob ng kuwarto hoholdapin. Marami nang ganyang kaso akong natatanggap.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *