Friday , December 27 2024

Mga sangkot sa pork scam mag-resign na kayo!

FOR delicadeza, dapat magbitiw sa puwesto itong goverbnment officials at mga politiko na sangkot sa multi-billion pork barrel fund scam.

Si Pangulong Noynoy Aquino, na iniluklok natin dahil sa kanyang pangakong “tuwid na daan” at ipinagsigawang “kung walang korap, walang mahirap”, ang mismong dapat unang maglinis sa kanyang bakuran.

Oo, sa nalalabing 24 months ni PNoy sa Malakanyang, ngayon nya ipakita sa madla ang kanyang malinis na pamamahala sa bansa. Alisin nya na ang mga miyembro ng kanyang gabinete na sangkot sa pork scam tulad nina Budget Secretary Butch Abad, Executive Sec. Paquito Ochoa, Agriculture Sec. Proceso Alcala, TESDA Director Joel Villanueva, ERC Chairman Zenaida Ducut at iba pa.

Itong mga mambabatas naman na malinaw pa sa sikat ng araw na sangkot sa katiwalian sa pagpadaloy sa kanilang pork barrel sa mga pekeng foundations partikular kay Janet Napoles, for delicadeza ay mag-resign na!

Maawa naman kayo sa ating bansa. Nakahihiya na kayo sa madlang people. Sobrang kakapal na ng inyong mga mukha! Grabeng kapit-tuko na kayo sa kapangyarihan. Mga yawa gid!

Senador Jinggoy, Senador Enrile, Senador Revilla… ano pang hinihintay n’yo? RESIGN NA!

Ombudsman Conchita Morales, ma-dam… napakabagal naman yata ng imbestigasyon nyo sa pork scam ba yan? May paper trail naman po ito e. May perang lumabas mula sa kaban ng bayan. May tumanggap. Saan ito dinala at sino-sino ang nakinabang. Sa tamang project nga ba napunta o sa bulsa ng mga taong sangkot. Ganun lang naman ang magiging takbo ng imbestigasyon dito e. Bakit ang tagal, Ombusman?

Justice delayed, justice denied! Boom… buking!!!

Brgy. official sa Sampaloc

promotor ng mga ilegal

– Mr. Venancio, report ko dito sa aming barangay, sa Brgy. 555 Zone 55, Sampaloc, Manila, ang promotor dito ng mga inuman at bookies ng karera ay ang isang barangay kagawad na si Sarno. Grabe po ang mga iligal dito sa lugar namin. Lantaran ang mga iligal na sugal. Walang aksyon na ginagawa ang aming tserman na si Santos. Kinukunsinte niya ang maling gawain ng kanyang kagawad. Sana maaksiyunan ito ng City Hall o DILG. Huwag nyo nalang po ilabas ang numer ko, pag-iinitan nila ako. – Concerned citizen

Yan ang sinasabi ko paulit-ulit nung eleksyon ng barangay na iboto ninyo ang kandidato na walang bisyo at malinis ang pagkatao. E, ang tigas ng ulo ninyo, ibinoto ninyo parin ang lasenggero at iligalista, kaya ayan… hanggang 2016 kayong magtitiis sa ganyang barangay official.

Cash for work sa Biliran

gamit sa politika

– Mr. Venancio, dito sa aming bayan ng Biliran province ang Cash for Work dito ay pinili lang. Ang nakakatrabaho lang dito ay mga tauhan ng mayor. Si Mayor Casil lahat puro pamulitika ang pakataran dito. Suspindedo raw ito pero nag-oopis. Sana matulungan ang mga walang trabaho dito sa Biliran. Huwag lang ilagay ang number ko baka ipatudas ako. Thanks. – Concerned citizen ng Biliran

O, Mayor Casil, anong say mo? Paki-explain po sa mamamayan mo ang isyung ito.

PNP luwagan n’yo

ang lisensya

at PTC ng baril

sa brgy. officials

– Mr. Venancio, isa po akong barangay official. Nag-text ako sa inyo sa dahilang nakababahala na po ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga kasamahan namin na halos linggo linggo ay may nalalagas sa amin. Ang concern ko po dito ay luwagan kami sa pagproseso ng license at PTC ng aming mga ligal na baril upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili. Ang tanong ko: Kailan kami luluwagan? Pag ubos na kami, e hindi naman nila kami maprotektahan. Kaya po sana sa pamamagitan ng inyong kolum ay maipaabot ang aming hinaing. Salamat Joey, mabuhay ka! Wag mo nalang ilabas ang number ko. – Brgy official

Sang-ayon ako sa hinaing na ito ng barangay official. Kami man sa media ay hirap makakuha ng PTC. Pero tama lang din naman ang paghihigpit ng PNP sa pag-isyu ng lisensya laluna ng PTC ng baril. Kailangan sa pagkuha ng PTC ang personal appearance ng may-ari ng baril, dadaan ito sa mga eksaminasyon para matiyak na nasa maayos na pag-iisip ang isang gun holder. That’s it!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *