A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger.—Proverbs 15: 1
MULING umalingawngaw ang pangalan ng isang Boy Gaviola at ang kanyang “partners in crime” na si Marco Sharif sa hanay ng vendors sa Maynila.
Partikular siyang pumuputok sa area ng Divisoria – C.M. Recto, Ilaya, Sta. Elena, kahabaan ng Juan Luna at Tabora. Nawala ang dalawang kumag nang pagbabanatan sa d’yaryo, pero heto pala’t muling umaarangkada sa “pangongotong!”
***
PERO ang inyong lingkod ay hindi na magtataka, dahil tayo ang unang “bumira” sa kanila. Hindi lang sina Gaviola at Marko ang umiikot nga-yon sa vendors, kundi nariyan rin sina alyas Ryan, Anchet, Alday at Reggie.
Ang mga nabanggit ay mga naka-assign sa Department of Public Services (DPS) at ang kanilang amo ay walang iba kundi si Fernando Lugo, officer in charge ng DPS-District III.
Teka sino ba si Luga este Lugo?
BFF SA KITAAN!
WELL si Lugo mga kabarangay ang binabanggit natin noon pa man na bagman este BFF ni Engr. Che Borromeo na ngayon ay hinirang bilang Chairman ng task force organized vending.
Kaya hindi na tayo magugulat kung bakit muling pumuputok ang mga nabanggit na pa-ngalan sa mga vendor bilang mga “tongkolektor” ng city hall!
Susme, kailangan pa bang i-memorize ‘yan!
***
HINDI pa man legal na nailalagay sa puwesto si Che, (dahil sa one year ban period sa mga talunang kandidato nitong May 2013 election), aba, aktibo na sa mga operasyon ng DPS dahil siya ang umaaktong hepe ng departamento, habang ang kanyang anak na si Lilybelle ay “palamuti” lamang.
Siya ang nagmamando sa mga clearing ope-ration kuno sa mga vendor na pagkaraan ay kanilang binabalikan para “taryahan.”
Sabwatan ito ng DPS at ng task force!
***
KAYA, gaya ng ating naisulat sa mga nakaraang kolum, talagang isang malaking pagkakamali ang pagkakahirang ng dating Pangulong Erap kay Che para pamahalaan ang “pagsaa-yos” sa may 20,000 vendors sa Maynila.
Isang malaking delubyo sa mga vendor ang grupo ni Che na walang alam gawin kundi ‘gatasan’ ang mga mahal ni Erap na mahihirap at para patabain naman ang kanilang mga bulsa.
Napapasigaw tuloy ang mga vendors ng letCHEng buhay ‘to!
IMBESTIGASYON NG SC
KAY MA’AM ARLENE, TAPOS NA!
TAPOS na pala ang initial report ukol sa imbestigasyon sa isang “Ma’am Arlene” na sinasabing bigtime court fixer ng bansa.
Isinumite na nina Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen at retired SC Associate Justices Ma. Alicia Austria-Martinez at Romeo Callejo, Jr., nitong Mayo 29 sa Court En Banc ang resulta ng isinagawa nilang pagsisiyasat sa bintang na korapsyon sa judiciary.
Tsk… tsk… sana isapubliko ang resulta ng imbestigasyon!
***
IBINASE ng binuong special committee ng SC mula sa mga nakalap nilang impormasyon at ebidensya ang initial report sa akusasyong pang-iimpluwensya sa mga Court Judge at Justices ng isang Ma’am Arlene na namimigay umano ng mga regalo para paboran ang isang kaso.
Bagama’t tatlo ang sinasabing Ma’am Arlene na lumulutang, gaya ng isang clerk mula sa Court of Appeals, isang dating kawani ng Manila Regional Trial Court, mas matunog ang pangalan ng isang Ma’am Arlene na dating empleado ng Manila City hall sa tanggapan ng Office of the Vice Mayor.
***
PERO ang Ma’am Arlene na huling tinutukoy ng SC ay taga Balut, Tundo at kapatid ng dating Director ng Liga ng mga Barangay na si Chairman Arnel Angeles.
Wala ito sa bansa. Umalis ito sa kainitan ng kontrobersya dahil sa pagputok ng pangalang Ma’am Arlene sa media.
***
SINASABING nasa United Kingdom ito ngayon at nagtatago. Pero kung ako kay Ma’am Arlene, umuwi na siya ng Pilipinas kung hindi siya ang tinutukoy na bigtime court fixer.
Ito’y para naman malinis ang kanyang pangalan o puwede rin isiwalat na lamang niya ang kanyang nalalalaman, mag-ala Janet Napoles ka na rin!
Hindi ba’t, the truth will set you free!
***
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos