ni Ed de Leon
LUMALABAS na ang security force ngayon doon sa subdivision na tinitirahan niClaudine Barretto ang hindi nag-report ng sinasabi niyang pamamaril sa likod ng kanyang bahay sa pulis o maski sa barangay man. Iyan ngayon ang lumalabas matapos na lumabas sa telebisyon na walang ganoong insidenteng naireport sa barangay at sa pulisya.Ang susunod naming tanong ay ito. Putok ng baril iyan, at ayon sa kanilang reklamo hindi lang naman iisang putok. Bukod ba kay Claudine ay may iba pang residenteng naalarma dahil sa mga putok ng baril na iyon at gumawa rin ng report sa security? Kung mayroong ibang kapitbahay na nagreklamo rin at hindi nag-report ang security ng subdivision sa pulisya, aba eh may problema nga sila. Kung wala namang ibang residente na nag-report na nakarinig ng pagpapaputok ng baril maliban kay Claudine, ibang problema naman siguro iyan.
Hindi mo rin maiaalis na mag-isip ang mga makaririnig ng reports na iyan kasi nga maraming butas ang kanilang istorya. Bakit hindi rin nag-report agad sa pulisya o sa barangay si Claudine. Seryoso iyan, binabaril siya. Bakit nakuntento siya sa report niya sa security guard?