Wednesday , November 6 2024

Huwag maging ipokrito

Sa bansa natin napakaraming ipokrito, ‘yun bang nagmamalinis, turo nang turo, bintang nang bintang pero sila rin pala ang magnanakaw sa bansa natin, sila ang mga salot sa lipunan.

Marami rin magagaling na mambabatas pero nasisira lang sila sa kapangyarihan at sa pera lalo na imbestigasyon sa PDAF Scam.

Buti masigasig ang NBI sa pagsisiwalat at pag-iimbestiga ng katotohanan sa pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez.

Dito sa bansa natin, napakaraming ipokrito lalong-lalo sa Immigration, dapat ‘yan ang isa rin pagtuunan ng pansin ng ating mahal na Pangulong Noynoy Aquino.

Sa Bureau of Customs naman kung sino ‘yung malalakas na tumara sila pa ang mayayabang at nagmamataas sa kanilang sarili particular na ‘yung mapagkunwari pero sila pala ang number one na tulisan sa Bureau of Customs.

Si Depcom Ariel Nepomuceno, Depcom Jes-sie Dellosa lang at Comm. Sevilla ang tanging nakikita natin na talagang nagtatrabaho nang maayos para sa bayan.

Talagang ganon ang ugali ni Comm. Sevilla na walang malakas, ang sa kanya trabaho lang.

Ako nga ay biktima rin niya na talagang na-pahiya ako dahil sa mga tauhan niya pero naintindihan ko na ngayon kung bakit siya nagkaka-ganyan, wala ka talagang magagawa.

SALUDO TAYO KAY KUYA JERRY YAP

Isa sa pinakamagaling na mamamahayag na ating nakilala, ang National Chairman ng ALAM na si kagalang-galang na publisher ng Hataw na si JERR YAP.

Hindi siya naninira ng kapwa niya mamahayag para lang magkapera, siya’y isang ma-tagumpay na negosyante, tahimik lang siyang tao pero nagtatrabaho nang maayos para sa kapakanan ng pamilya ng mga taga-media na pinapaslang. May kusa siyang magbigay ng tulong mula sa kanyang sailing bulsa para tulu-ngan ang biktima ng harassment na mga kasama natin sa media. Hindi siya nanghihingi para sa bulsa niya, siya’y nagnenegosyo at hindi siya marunong manakot. Hindi mahilig sa publicity kapag tumutulong sa media man o hindi.

Siya ay mapagkumbaba at bibihira ang ka-tulad niya na may pagmamahal sa napapaslang na mediaman, hindi siya plastic o mapagkunwari at talagang sinasabi niya ang totoo kung may nagawa kang mali at hindi siya traidor.

Marami akong kaibigan sa NBI, PNP, AFP ang sabi sa kanya, “Pare jim, buti pa ‘yan si Boss Jerry wala man lang record na nanakot dito sa NBI, hindi pa ‘yan nambabraso pare Jim” at mismong mga top brass pa ng NBI ang aking nakakausap.

Sana naman ang bansa natin bago matapos ang termino ni PNoy, sana ay matuwid na lahat ang patutunguhan ng ating bansa.

Kawawa ang masa sa darating na 2016 elections ay magagamit na naman ng mga politiko na ganid sa kapangyarihan na parang mga buwaya.

KALUSIN ANG MGA TIWALI

SA IMMIGRATION

Sana magbago na ang ilang opisyales at empleyado sa Immigration na gumagawa ng limpak-limpak na salapi sa mga banyagang fugitive na gumagawa ng kalokohan sa ating bansa.

Milyon-milyon ang kinikita nila at sila ang dapat ireboot, ilagay sila sa floating status at pa-litan ng bago gaya ng ginawa sa Bureau of Customs.

Sa ngayon masasabi ko lang magbago na po ang mga nagpapakilalang malinis sa bayan natin pero sila pala ang number one na magna-nakaw sa bayan.

Ang bayan kong Pilipinas, bangon na!

BoC-MICP

Maganda ang ginagawa ni Coll. Emir Dela Cruz ng Manila International Container Port.

Sabi ng mga empleyado doon ay talagang kung ganyan ang abilidad ng isang collector sa lahat ng port ay talagang magtatrabaho sila nang maayos. Maayos siyang kausap at lahat ng mga broker at importer ay wala man lang nagrereklamo.

Isa siya mahusay na serbisyo publiko kagaya ng kanyang mga tauhan na sina Coll. Mel Pascual at Chief Florante Ricarte na nagtatrabaho nang tapat para sa ikakaganda ng kolek-siyon.

Kaya naman keep up the good work guys! Mabuhay kayo!

Naniniwala ang marami na talagang mas lalong gaganda ang samahan ninyo at ang target koleksyon ninyo dahil kayong lahat ay nagkakaisa para matulungan ang repormang ipina-patupad sa Bureau of Customs.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *