NAG-IMBENTO ang isang X-Men fan ng sarili niyang magnetic shoes na makatutulong sa kanya ng paglalakad nang pabaligtad.
Isang linggo ang inubos ni Colin Furze, 34, sa paglikha ng nasabing sapatos at naging inspirasyon ang comic book cha-racter na si Magneto, na naiga-galaw ang me-tal sa pama-magitan ng kanyang isip.
Gumamit si Furze ng microwave parts sa pagbuo ng sapatos, na kanyang magagamit sa paglalakad nang pabaliktad sa metal ceilings.
“The shoes are great fun but it is rather bizarre trying to walk upside down, you have to really force your feet on to the ceiling,” pahayag ni Mr. Furze, ng Stamford, Lincolnshire.
“It’s rather nerve-racking because if the electricity fails the magnets won’t work and I will fall.”
Binuo niya ang magnet ng sapatos gamit ang microwave transformer, na ang isang coil ay tinanggal, at ikinabit sa car battery.
Pagkaraan ay kanyang inilagay ang transformer sa shoe shaped plate at ikina-bit ang sapatos dito.
Naglagay siya sa sapatos ng straps na may switch para sa pagdaloy ng power ng koryente upang siya ay makalakad.
“My wife Charlotte was a bit surprised when she saw me hanging upside down from the ceiling,” aniya pa. (ORANGE QUIRKY NEWS)