Friday , January 10 2025

Imbestigahan BoC-XIP at RMO (Super-rich customs appraiser)

NANANAWAGAN tayo kay Customs Commissioner John Sevilla na imbestigahan ang maraming reklamo na natatanggap ng inyong lingkod mula sa mga broker, importer at multinational companies sa garapalan na umanong ginagawa ng mga taga-BoC Revenue Monitoring Office (RMO) at BoC-X-ray Inspection Project (XIP).

Pati raw mga value at dapat bayaran ay dinidiktahan ng RMO.

Ilang broker ang nahihirapan sa laki ng kanilang binabayarang taxes at parang dumaraan sila sa butas ng karayom.

Nagkukunwaring no-take policy pero meron nagpapakilalang BAGMAN na sina alias RUSSELl at TSITA na kumakausap sa mga broker para sa ‘cashyusan.’ Doon sila sa tennis court lumipat na dati ay sa Quarantine ginagawa ang transaksyon para kikilan ang mga pobreng broker.

May report pa na isang alias UNCLE BIK DE PERA, hindi ko alam kung may kaugnayan ito sa inirereklamo na isang De Vera rin na nangongotong sa kontrata ng MRT sa isang ambassador.

Ang tindi raw talaga ni alais Uncle de Pera sa pitsaan na mapagkunwari pa pero puro overtake policy ang diskarte.

Kapag natutunugan nila na umiinit na sila sa mga nagrereklamong broker ay nagpapagawa sila ng praise/press release na sinasabing sinisiraan sila.

Commission Sevilla, ito ang mga dapat na ilagay mo sa CPRO kaysa ilang matitinong Customs official na natapon sa CPRO.

Sana po ay mapagtuunan ng pansin ni Comm. Sevilla ang report na ito.

***

Isa pa, dapat busisiin ni BoC Commission Sevilla ay ang BoC-XIP sa pakikialam sa trabaho ng Customs assessment na pati value ng kargamento ay pinapakialaman nila.

Wala sa mandato ng X-ray ang makialam sa mga value ng kargamento dahil napakalaki na ang binabayaran nilang buwis.

Ang trabaho ng BoC Xray ay tingnan kung may mga baril, mga droga at mga misdeklaradong kargamento.

Ito ba ay pamamaraan para sa pag-o-overtake policy sa kanilang nasasakupan?

Aba’y ‘pag ganyan nang ganyan ang diskarte ng isang opisyal ng BoC X-ray ay baka mapuno na nanan ang kanyang SAFETY VAULT ng kuwarta.

Tama ba ako Mr. Dorya?

***

Sino naman ang isang Customs Appraiser na naglagay daw sa DoF RIPS at Ombudsman para ayusin ang kaso niyang unexplained wealth?

Nakapagpatayo ng mga franchise ng 7 eleven sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Matindi talaga sa perahan sa mga broker dahil ang lakas tumara sa overtime per container van. Kaya naman laging puno ang kanyang drawer ng tig-iisang libo ay lalong nag-aanyong demonyo.

Totoo ba Claro M. Recto?

Siya ay nakatalaga sa MICP na kapag nakakita ng pera ay nagkakaduling-duling ang mata.

***

Bakit nag-resign ang kagalang-galang na dating ISAFP Chief na si General Alejandro Estomo bilang CIIS Director na alam natin na hindi siya naging corrupt sa BoC dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho.

Siya ay maprinsipyong tao at dedicated officer sa Armed Forces at sanay siya sa hirap. Sabi niya hindi lucrative position ang magsilbi sa BoC dahil ayon sa kanya malaki ang ginampanan niya sa kanyang anti-smuggling campaign at napatigil niya kahit paano ang mga smuggler sa ating bansa.

Sabi niya, “Jimmy I have to enjoy may retirement in the military, marami pa akong gagawin sa labas at nagsisilbi pa rin ako sa bayan kahit wala ako sa BOC.”

Pinasalamatan niya ang lahat-lahat ng mga tauhan niya sa CIIS na sumuporta sa kanya sa anim na buwan ng kanyang pananatili sa BoC.

Hinangaan din siya ng kanyang kababayan na si NBI Director Atty. Virgilio Mendez.

***

Happy birthday pala sa kaibigan kong si Jervy Maglunob na batang-bata na hidi halata sa edad na 45.

Wishing you all the best, good health and long life.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *