Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikinasal sa crush sa panaginip

Gud day po Senor,

Vkit kya nppanagnip q un crush q? tas yung sumunod n parang eksna… kinakasal dw po aq, msaya dw aman aq at ang dami bisita… anu po kaya meaning nyon? Im kyla mae fr. tondo manila… wag2 nio po sna llgay sa diario ung # q…

To Kyla Mae,

Ito ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibi-lidad na mapanaginipan mo siya. Ito ay maaa-ring paalala rin sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang ipaalam mo ang iyong pagka-kagusto sa kanya, lalo na kung sa panaginip mo ay maganda ang nakikita mo o maayos ang tema nito. Kahit babae ka, maaari mo namang iparamdam ito sa paraang hindi bulgar at hindi ka magmumukhang cheap. Pero ang mahalaga, malaman mo ang nararamdaman din sa iyo ng crush mo, para malaman kung ikaw ay gusto rin niya o hindi, at least ikaw ay makakapag-move-on na at hindi na mauubos ang oras mo sa kaiisip sa kanya kung ano ang feelings niya talaga para sa iyo.

Ang panaginip ukol sa kasal ay simbolo ng bagong simula o pagbabago sa iyong kasalukuyang buhay. Ito ay repleksiyon din ng ilang isyu o mga bagay-bagay hinggil sa commitment and independence. Alternatively, ang panaginip mo ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa feelings of bitterness, sorrow, or death. Ang ganitong mga panaginip ay kadalasang negative at nagha-highlight sa ilang usapin hinggil sa anxiety or fear. Kung ikaw naman ay talagang nagpaplanong magpakasal, ito ay maaaring may kaugnayan naman o nagha-highlight lang sa stress ng pag-aayos ng isang kasalan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …