KUNG bad feng shui ang hagdanan, anong tips ang dapat gawin upang magkaroon ng good feng shui?
Ang hagdanan mismo ay hindi bad feng shui. Kailangan ang hagdanan kung ang bahay ay may ilang palapag, ‘di ba?
Ang feng shui concern sa hagdanan, ito ay tipikal na lumilikha ng kalidad ng enerhiya na hindi mapayapa. Depende sa daloy ng enerhiya sa specific home – alinsunod sa floor plan – ang maligalig na enerhiya ay madaling kumalat sa buong bahay.
Sa pag-access sa feng shui ng espisipikong hagdanan, suriin ang dalawang factors:
*Lokasyon ng hagdanan. Ang worst case feng shui locations ng hagdanan sa loob ng bahay ay ang nakaharap sa front door, o kung ito ay nasa sentro ng bahay, ang feng shui heart ng tahanan.
*Disenyo at istilo ng hagdanan. Ang worst design ng bahay ay ang disenyo na may open space sa pagitan ng mga baitang, gayundin ang hagdanan na may metal railing at handrails sa wood feng shui element area. Mainam na iwasan ang spiral shaped (o corkscrew) design na hagdanan sa sentro ng bahay, lalo na ang hagdanan na yari sa metal.
Lady Choi