Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, balik-TV na sa Agosto via TV5 or GMA7!

 ni ROldan Castro

BALITANG sa Agosto na  raw ang pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame. May mga tsismis na blocktimer daw ito sa TV5 para magawa niya ang show na gusto niya. May nagsasabi rin na baka saGMA 7 siya mapapanood dahil sa Startalk’ ang kanyang first TV appearance after nang mawala sa ere ang Wowowillie.

Wala namang kontrata si Willie kaya malaya siya ngayon kung saan man siyang estasyon mapunta. Hindi raw siya magtatrabaho dahil sa pera lang kundi kung ano ang magandang programa na dapat niyang gawin kahit kalakihan ang budget. Ang importante ay masaya siya sa ginagawa niya.

Marami ang nagsasabi na puwedeng-puwede si Willie na maging talk show host pagkatapos niyang uriratin si Manay Lolit Solis sa Startalk. Pero ang gusto pa ring programa ni Willie ay ‘yung masaya at nakatutulong sa tao. Game show pa rin ang gusto niyang gawin.

Hindi pa rin namamatay ang isyung gumon na siya sa casino at malaki  na ang naipatalo niya kaya ibinebenta na ang properties. Nagbiro na lang si Wil na ibinebenta na lang niya ang lahat at katawan na lang niya ang libre.

“Sinasabi nila, naghihirap na ako, dugyot na ako. Alam mo, hindi importante ang sinasabi ng ibang tao. Ang importante, kung ano ang estado mo. Kung ayos ka ba o hindi. Kung sinasabi nila, mayaman ka, pero naghihirap kami, mas mahirap ‘yon.Kahit anong sabihin nilang negative, tinatawanan ko na lang. Hindi mo na dapat pinapatulan ‘yon, eh, kasi maayos naman ang buhay mo. Nakatutulog ka sa magandang bahay, nakakapagmaneho ka ng magandang sasakyan, nakakakain ka ng gusto mo.So, ibig ko lang sabihin, komportable pa rin naman ako,” deklara niya sa sa isang panayam.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …