Friday , December 27 2024

Mga palusot ni Napoles nakakabwisit na!

KUNG anu-anong palusot na ang ginagawa nitong reyna ng higit P10-billion pork barrel fund scam para langhindi maibalik sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Pati na ang diskarteng “dugo-dugo” gang ay ginamit at nakumbinsi ang korte na ipagpaliban ang pagbalik sa kanya sa kulungan mula sa Ospital ng Makati kungsaan siya naoperahan sa matris at ovaries higit isang buwan na ang nakalilipas.

Dumugo raw ang keps ng bruha. Kaya kailangan muna niyang manatili sa ospital. Noong Biyernes na dapat pinababalik ng korte si Napoles sa kanyang kulungan.

Lumabas sa mga pahayagan kahapon, banner pa ng ilang tabloids, na kaya dinugo si Napoles ay dahil nakipag-sex ito habang naka-confine sa hospital. Ganun? Hahaha…

Noong una, ang palusot ni Napoles… kaya hindi siya makalabas ng hospital ay dahil walang pambayad sa kanyang P100,000 hospital bill.

Ngayon, ang dumudugong keps nya naman ang kanyang idinadahilan.

Baka sa susunod nyan ay ang paglilihi na niya ang kanyang i-reason out. Na hindi sya puwedeng ibalik sa kulungan dahilan masilan siyang magbuntis.

Teka, ilang taon na ba ang bruhang ito? Nireregla pa ba sya?

Paki-silip mo nga, boss Jerry Yap. Ehek!

Tricycles sumunod kayo

sa ruta nyo…

Inaayunan o sinusuportahan natin ang Manila City Council sa pag-ban sa mga tricycle sa main roads o mga pangunahing lansangan sa Maynila.

Dahil kapag pinabayaan lang ang mga sasakyang tatlo ang gulong (kabilang ang padyak at kuliglig) na bumiyahe sa main roads, aba’y lalong magsisikip ang kalsada at maraming aksidente ang mangyayari. Dahil karamihan sa trike drivers ay may pagkabarumbado, sumasalubong o counter flow, mahilig sumingit, pasok lang nang pasok kahit alanganin kaya takaw-disgrasya.

Itong mga tatlo ang gulong ay tama lang talaga na sa mga secondary roads bumiyahe, kunsaan bawal naman ang mga jeepney.

Kaya huwag matigas ang ulo, mga mamang trike drivers. Sumunod tayo sa batas trapiko para makapaghanap-buhay ng maayos. At kung puwede lang sana, magdamit naman tayo ng maayos at magsapatos, hindi yung nanlilimahid at amoy putok pa, dyahe kasi sa mga pasahero ninyo. Maging malinis at ipagmalaki ang pagiging trike driver. gawin natin ‘to, mga ‘tol!

Mabuhay ang mamang trike driver!

Hinanakit at magagawa

ng taong lansangan…

– Sir Joey, nag-aalanganin ako at nahihiya sapagkat kaming taga-lansangan akala ng mga ibang tao dyan lahat kami mga adik sa solvent o di kaya’y isnatser. At ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa dami na ng mga text namin sa gobyerno para sa mga hinaing namin ay nagbibingi-bingihan lang sila? Ang totoo po, kaming mga tunay na dito nakatira sa lansangan ay parehas po kami. Mas gusto po namin maghukay ng basura kaysa magnakaw. At ang aming pangangalakal ng basura kung kami ay bibigyan ng pagkakataon ng gobyerno na bigyan kami ng kahit konting sahod, lilinisin namin ang Metro Manila pati mga solvent boys palalyasin namin dito. – 09061155…

Touch ako sa text na ito. Kung ako nga lang ba ang presidente ng Pilipinas e pag-uukulan ko ng pansin ang mga taong lansangan. Kaso hanggang panaginip nalang ang dreams nating maging lider ng Pinas. Hehehe…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *