Wednesday , November 6 2024

Sen. J.V. Ejercito nagmana sa ama

MALAKING panlilinlang pa ang inilalako ni Sen. JV Ejercito nang ihayag na pinag-iinitan ng administrasyong Aquino ang oposisyon, lalo na ang mga politiko mula sa kanilang angkan na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Kinuwestiyon ni JV ang ‘pagbuhay’ sa disqualification case laban sa kanyang ama na si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at pinsan na si Laguna Gov. ER Ejercito.

‘Pagbuhay’ pala ang tawag ni JV sa proseso ng batas at katarungan kapag kaso laban sa kanilang angkan ang pag-uusapan. He-he-he!

Parang sinabi na rin ni JV na hindi dapat intindihin ng gobyerno ang ano mang kaso laban sa mga politiko, lalo na kung ang angkan nila ang lumabag sa batas.

Para kay JV, exempted ang kanyang angkan na managot kahit lapastanganin nila ang mga batas.

‘Yan ang katunayan na hindi nga karapat-dapat pagtiwalaan humawak ng puwesto sa gobyerno ang mga Estrada.

May amnesia ba si JV at nakalimutan na niya na pinatalsik ng sambayanang Pilipino ang kanyang tatay bilang Pangulo noong 2001 dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan at hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng habambuhay sa kasong pandarambong?

Panahon na rin sigurong ipatupad bilang requirement sa mga elected at appointed officials ang pagsusumite ng certification mula sa National Mental Hospital bago kumandidato at pumasok sa gobyerno para matiyak na wasto ang kanilang pag-iisip.

ERAP NATARANTA SA DQ,

PAGKAKAMAL MINAMADALI

HINDI maitago ng “President-Mayor-Daddy” ni Vice Mayor Francisco Domagoso na si Erap ang pangambang ma-disqualify siya bilang kandidatong mayor sa Maynila noong 2013 elections kaya pinapaspasan na ang pag-apruba sa mga proyektong siguradong pagkakaperahan.

Nagkakandarapa na silang maisalya ang mga ari-arian ng City Government sa pamamagitan ng maanomalyang Joint Venture (JV) o ang pakikipagtambalan ng lokal na pamahalaan sa pribadong sector.

Gustong iraos agad ni Erap ang paglalaway sa kikitain niyang komisyon sa pagsasapribado ng Central Market, Lacson Underpass at Manila Zoo bago bumaba ang pasya ng Korte Suprema sa kinakaharap niyang disqualification case.

Mistulang addict na ginigiyang sa pagkakamal si Erap kaya kailangan makahakot ng limpak-limpak na kuwarta para mapakalma.

Halos 15 taon na nga naman ang lumipas mula nang kumita si Erap ng P189 milyon komisyon nang gamitin niya ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) para bilhin ang shares of stock ng Belle Corporation ng kanyang crony na si Dante Tan noong 1999.

Nalugi ang transaksiyong ito at naglahong parang bula ang halos P2 bilyon pondo ng SSS at GSIS, pero si Erap ay lumago ang yaman.

Ngayon nakaupo siya sa Manila City Hall, ang ari-arian naman ng mga Manilenyo ang gusto niyang simutin.

EMAIL NG PANATIKO NI ERAP

TUMANGGAP tayo ng email (may petsang May 22) mula sa isang nagpakilala at gumamit ng pangalang HENRY SAMONTE, sabi niya:

“Tutuo, na corrupt si Erap. Kurap siya dahil inilagay niya ang pera sa Muslim organization. Hindi naman niya pangsarili ang pera. Corrupt ba ang tawag riyan? Ngayon, kung ang Jueteng money naman ang pag-uusapan, this does not belong to the government. All administration profits from this illegal gambling. Ano ang say mo Mr. Percy Lapid.”

Ginamit lang ni Erap ang Muslim Youth Foundation para paglagakan ng salapi mula sa mga ilegal na transaksiyones at suhol.

Pero walang katunayang naipresenta si Erap sa paglilitis sa kanya ng Sandiganbayan na napunta sa anomang proyekto para sa kapakanan ng mga kabataang Muslim ang mga salaping idineposito sa pangalan ng Foundation.

Ang jueteng money ay hindi nga pera ng pamahalaan pero ginamit niya ang kanyang puwesto sa gobyerno para makakuha ng suhol at “tong” mula sa iligal na jueteng.

Ang koleksiyon sa jueteng ay pera ng mahihirap na mamamayan na nililinlang bilang mananaya, ayon na rin sa desisyon ng Sandiganbayan na humatol kay Erap sa kasong pandarambong.

Kung ayon sa iyo ay maraming opisyal sa pamahalaan ang nakinabang at tumanggap ng pera sa jueteng, dapat may magdemanda sa kanila tulad kay Erap na may mga tumestigo pa at nangolekta para sa kanya, gaya ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Si Erap ay hindi lang corrupt, siya ay sobrang grabeng corrupt na mandarambong dahil siya lang ang bukod-tanging naging pangulo sa kasaysayan ng bansa na nahatulang guilty sa kasong plunder o pandarambong.

Mr. Alyas Henry Samonte, bakit ‘di mo kaya subukang idemanda o kasuhan sa Ombudsman kung may matibay kang basehan at ebidensiya laban sa mga opisyal na tinutukoy mong tumanggap o tumatanggap sa jueteng para magampanan mo naman ang iyong tungkulin bilang isang mamamayan?

‘Yan naman ay kung talagang responsable kang mamamayan at hindi isang panatikong bulag na tagahanga lang ng mga mandarambong.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *