Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga superhero nakilibing sa yumaong bata

PUMANAW kamakailan ang limang-taon gulang na batang si Brayden Denton dahil sa brain tumor at ayon sa kanyang inang si Staci Denton, ang kanyang laban sa sakit ay maituturing na “ayon sa isang superhero.”

Ang kakaiba nga lang sa libing ni Brayden ay dinaluhan ito ng mga superhero bilang pakikibahagi sa pagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Pinarangalan ang limang-taon ng kanyang mga kamaganakan na nagsuot bilang mga superhero.

Nakilibing ang tiyuhin ng Brayden bilang si Thor habang ang iba pang naroroon ay gumanap bilang si Superman, Batman, Iron Man at Incredible Hulk.

“Mahirap, pero ginawa ko iyon para sa kanya,” wika ni Cory, na inalala noong pinapanood nila ng kanyang pamangkin ang lahat ng pelikula sa serye ng Iron Man.

Nagbalik-tanaw naman ang ina ni Brayden sa laban ng kanyang anak sa sakit na kanser at sinabing sa paglala nito’y hindi makalakad ang kanyang anak at kalaunan ay hindi na rin makakain at makainom.

Pumanaw si Brayden noong Mayo 8 at talagang nag-headline ang larawan sa kanyang libing na buhat ng mga superhero ang kanyang kabaong patungo sa huling hantungan.

Talagang napakahilig niya sa mga superhero, ani Staci, kaya noong huling kaarawan niya, nakasuot siya ng kapa at binigyan din siya ng cake na may temang superhero.

Sa pagpanaw ni Brayden, nag-iwan din ang bata ng pamana at ibinigay naman ni Staci ang tumor ng bata para mapag-aralan ng siyensya at nag-commit sa sarili para sa cancer research. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan si Staci kay Indiana Senator Ron Alter para sa pagdedeklara ng buwan ng Setyembre bilang National Childhood Cancer Awareness Month sa nasabing state.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …