I appeal to you, brothers, in the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree with one another so that there may be no divisions among you and that you may be perfectly united in mind and thought. –1 Corinthians 1: 10
MAYROON palang isusulong na batas sa Kamara na naglalayong kunin sa pamamahala ng Maynila ang historical place na Calle de la Escolta o Escolta na nasa Sta. Cruz, Maynila.
Itinutulak ito ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino, makaraang makita ang potensyal na maibalik ang dating kinikilalang unang business district center ng bansa, matapos ang matagumpay na paglulunsad ng MMDA ferry sa Escolta.
***
PERO biglang nagsipalag ang mga miyembro ng Manila City Council. Nitong Martes, nagpasa sila ng isang Council Resolution nang pagtutol sa hakbangin ni MMDA Chairman Tolentino.
Hindi raw panahon ng martial law ngayon at hindi sila papayag na kunin ang crown jewel ng Lungsod.
Aysus etching lang ‘yan!
***
PINABAYAAN nila ang Escolta, tapos ay magsisiangal. Ngayong may plano nang ayusin, saka naman nila hinahadlangan.
Kung nais talagang ayusin ito ng city government dapat ginawang prayoridad at may inilatag na plano noon pa man.
Akala ko ba bring back the glory of Manila?!
MMDA SUPORTADO
SA ESCOLTA
REDEVELOPMENT
KAYA hindi natin masisi ang maraming sektor na pumapabor sa panukala ni Tolentino na buhayin ang Escolta District at buuin ang kanyang Escolta Redevelopment Administration.
Tulad ng grupong The Heritage Conservation Society, Escolta Commercial Association Inc., at ang Escolta Revival Movement, na anila’y napabayaan nang husto ng mga lokal na opisyales ng Lungsod ang dating commercial at business destination ng bansa.
ESCOLTA NOON
NASA Escolta noon ang nagagandahang gusali na gawa ng mga Amerikanong arkitekto. Bago pa umunlad ang Makati o ang Ortigas Center, ang Escolta ang unang dinarayo ng maya-yaman dahil sa imported goods/items.
Mga rich and famous ang nagpupunta riyan dahil sa Escolta nagsimula ang mga unang department store sa bansa.
***
ANG mga naglalakad sa Escolta noon ay puro mga naka-pormal na damit, mga naka-amerkana, mga naka-kurbata.
Marami rin mga artista ang makikita sa lugar dahil naroroon ang mga kilalang film studious.
***
ANDYAN din ang bantog na Capitol theatre na idinisenyo ng tanyag na arkitekto Juan Nakpil; ang First United Bldg., na isang art-deco structure na gawa ni Andres Luna de San Pedro, anak ng bantog na pintor Juan Luna noong 1920s.
Naalala ko rin nariyan ang mga sikat na department store na bilihan ng mga imported na alahas at iba pa.
Naabutan pa nga natin ang sikat na Sy-vel’s Dept. Store!
MARAMING NAWALA,
PERO WALANG GINAWA!
MARAMI na rin ang nawala sa Lungsod, kinuha noon ng National Government sa Maynila ang pamamahala ng Rizal Park, kaya naitayo ang National Parks and Development Committee (NPDC), gayundin ang historical landmark na Fort Santiago kaya nabuo ang Intramuros Administration.
Wala rin sa pamamahala ng Lungsod ang operasyon ang dalawang pangunahing dau-ngan sa Maynila ang South at North Harbour, nasa pangangasiwa ito ng Philippine Ports Authority (PPA).
Ito ay resulta ng kapabayaan ng mga opisyales ng Lungsod!
MAY HIDDEN AGENDA BA
ANG KONSEHO SA ESCOLTA?
NAISIP ko tuloy kung bakit hindi ito naging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ay upang mapuwersa ang mga may-ari ng malalaking gusali sa Escolta na ibenta na lamang sa murang halaga dahil sa pagkamatay ng kalakalan at komersyo dito.
Ganito kasi ang nangyari sa Avenida Rizal nang isara ito sa trapiko, maraming negosyo ang nagsara at napilitang ibenta ang negosyo nang palugi.
Kaya nagsilayasan ang mga investor!
***
NALAMAN natin sa huli na karamihan pala sa mga bumili ng gusali ay mga kaanak ng politiko.
Kaya nang buksan ni Mayor Alfredo Lim sa trapiko ang Avenida Rizal, nag-boom muli ang kalakal sa Avenida.
Sinuwerte ang mga hunghang!
***
KAYA naman hindi ako payag sa sinabi ni Councilor Cristy Isip na kung makukuha ng Lungsod ang mga crown jewel gaya sa Intramuros ay maaari nang makapagpatayo ng malalaking gusali roon.
Atat na atat yata si Konsehala na magtayo ng malalaking gusali, hindi kaya niya alam na sisirain nito angheritage conservation and pre-servation na nais pangalagaan sa lugar.
Magluto ka na lang kaya Konsehala?!
***
DUDA talaga tayo sa pagpigil ng Konseho na isailalim ang Escolta sa rehabilitasyon. May naaamoy tayong kakaiba!
Hindi kaya may iba pa silang agenda kung bakit ayaw nilang gumanda ang Escolta?
Hindi ba, there is something fishy!
CARNAPER ANG MGA TOWING SERVICES!
HINDI lang naman pala ang Maynila ang nakararanas ng mga abusadong towing services kundi pati ang Lungsod ng Makati.
Ang matindi ang umiikot na towing services sa Makati ay mga ilegal tow trucks.
Mga carnapper!
***
GAYA nang ginawang perhuwisyo ng isang ilegal towing services nitong Martes sa flyover ng Gil Puyat, South Superhighway. Nagresulta ito ng matinding trapik nang hindi makaya ng bulilit na tow truck ang 16-wheeler container van na mahatak sa taas ng flyover.
Kaya ang resulta, humambalang ang container van sa ibaba ng flyover at tumakas naman ang damuhong tow truck.
Ayun, nagkanda-letche letche tuloy ang trapik!
***
WALANG itong ipinagkaiba sa ga towing services sa Maynila, kaparehong estilo ng paghatak ng sasakyan sa mga motorista, lalo na ang abusadong RWM Towing Services, parang mga carnapper.
Dapat malaman ni dating Pangulong Erap na sukang-suka na ang mga Manilenyo sa towing services na umiikot sa Lungsod, hindi ito nakatutulong sa kanyang administrasyon bagkus pahirap ito.
Kailan pa kaya niya aalisin ang mga salot na towing, kapag wala na siya sa puwesto?! Aysus!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos