Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zombies at baril sa panaginip

Hi po Señor,

Nngnip ako ng zombies, taz dw po ay kumuha ako ng baril, anu kya ibig sbhin nun, pak interpret naman senor, wait ko po ito s tbloid nyo, TNX! pls don’t post my #—-eddiboy

To Eddiboy,

Kung mahilig kang manood ng mga palabas na zombie, iyon ang isa sa posibleng dahilan nito. Sakali namang matatakutin ka sa ganitong mga tema ng panoorin, posibleng narinig mo lang sa kuwentuhan o nakita ang trailer sa sine, sa TV, o sa DVD ang isang nakakatakot na zombie movies at ito ay nakintal na agad sa iyong isipan, kaya lumalabas sa iyong panaginip. Sakali namang wala ang mga elementong ito, posibleng ang panaginip mo ay nagsasaad ng kawalan o kakulangan mo ng pakikipag-ugnayan sa mga kaganapan at mga taong malapit o nakapaligid sa iyo. Maaari rin na ito’y nangangahulugan din ng kawalan ng emosyon sa pang-araw-araw na buhay mo, na ginagawa mo lang ang mga bagay-bagay dahil kailangan ito bilang bahagi ng routine ng iyong buhay. Ito ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa pag-iwas mo sa mga bagay na hindi ka tiyak kung ano ang magiging kasagutan o kaya naman, kung ano ang magiging kahihinatnan, kaya ganito ang naging tema ng iyong bungang-tulog. Subalit dapat din na harapin ang mga bagay na ito upang magkaroon na ng closure.

Ang baril naman ay simbolo ng aggression, anger, at ng potential danger. Maaaring may kaugnayan ito sa mga isyu o bagay ukol sa passiveness/aggressiveness at authority/dependence. Alternatively, ang baril ay maaari rin namang nagre-represent ng ari ng lalaki at ng male sexual drive. Kaya, ang baril sa panaginip ay maaaring ma-ngahulugan din ng power o kaya naman, ng impotence, depende kung ang baril ay pumutok o nag-misfire. Kung ang binaril naman sa panaginip ay isang taong labis na kinaiinisan, ito ay maaaring may kaugnayan sa aggressive feelings at hidden anger tungkol sa taong nabanggit. Ito ay posible rin namang nagpapahayag na makakaranas ng ilang suliranin o komprontas-yon sa iba. Maaaring makaramdam na ikaw ay nabiktima sa ilang sitwasyon o pangyayari.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …