Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit Red Cross ang humahakot ng used clothing donation ng BoC?

MAY isang insidente last May 9, 2014 Friday morning sa Bureau of Customs – Port of Manila.

May isang van na naglalaman ng used clothing (ukay-ukay) galing sa warehouse 159 ang ini-hold ng BoC-ESS (Enforcement & Security Service) at ngayon ay iniimbestigahan kung legal ang withrawal sa nasabing bodega.

Ang sabi, ayos naman daw ang mga dokumento mula sa DSWD na ido-donate sa typhoon victims.

Ang hindi maintindihan ay kung bakit walang DSWD representative sa nasabing pag-release at bakit taga-RED CROSS ang humahakot?

Namimili pa raw ng ukay-ukay na isasakay sa van ng Red Cross?

Ang tanong natin,ano ba ang violation at pi-nigil ito ng ESS na ma-release? Ito ba ay Illegal withrawal?

Ayon sa ating source, ang mga ukay-ukay ay ibinigay na sa DSWD ng BoC for distibution sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Kaya lang, ang gusto raw ng DSWD ang BoC pa ang magpapadala nito sa mga biktima ng Yolanda.

E kapos nga ng pondo ang BoC kaya hindi nila ito magawa.

Ngayon pinaiimbestigahan na ni BoC Commissioner Sevilla at Depcomm. Dellosa ang insidente mas mabuti na maitanong bakit RED CROSS ang humahakot nito sa Customs at hindi ang DSWD?

Mayroon ba silang letter of authority from the DSWD director para sila ang mag-claim nito sa BoC?

Kung wala ‘e tiyak malaking problema ‘yan.

May clearance ba sa Auction Division sa Port of Manila o sa Commissioner’s office ang release ng mga ukay-ukay?

Oo nga pala, may clearance rin ba sa Department of Health (DOH) kung puwedeng ipa-migay ang nasabing mga ukay-ukay?

Sa pagkakaalam ko ay mahigpit na ipinagbabawal ang importation ng used clothing dahil baka panggalingan ng iba’t ibang uri ng sakit.

Anyway, let’s wait for the outcome of the investigation.

Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …