Sunday , December 22 2024

“Babalik ka rin”

The wisdom that comes from heaven is first of all pure; then peace-loving, considerate, submissive, full of mercy and good fruit, impartial and sincere. Peacemakers who sow in peace raise a harvest of righteousness. — James 3: 17-18

MARAMING mga kabarangay nating Manilenyo ang nagalak sa tuwa sa bagong case development sa kasong isinampa ni Atty. Alicia Risos-Vidal kaugnay sa disqualification case na isinampa sa Korte Suprema laban kay dating Pangulong Erap.

Sa wakas umano ay handa nang magde-sisyon ang Supreme Court sa usapin na matagal nang hinihintay ng maraming Manilenyo!

May pag-asa pa mga kabarangay!

***

INAASAHAN natin na isang win-win solution ang magiging resulta, kapag nagpalabas ng desisyon ang High Tribunal sa disqualification case ng dating Pangulong Erap.

Kapwa makikinabang ang dalawang partido —— sa kampo ng dating Pangulong Erap, tapos na agam-agam sa pagkuwestyon sa kanyang pagkakahalal sa Maynila, habang sa panig ng mga Manilenyo, tuluyang nang maisusulong ang mga programa sa Lungsod nang walang iniindang abala sa legalidad ng mga proyektong nais isakatuparan ng namumuno.

***

SAMANTALA, marami naman ang nagte-text sa atin na malapit na raw ba ang pagbabalik ni superior? Aba, nariyan lang naman siya at nag-aabang ng susunod na kabanata.

Hindi siya nangibang bayan o lumabas ng bansa, nagmamasid lamang siya sa isang tabi. Pero hindi ko kayo pipigilan kung nais ninyong umawit ng kanta ni Gary Valenciano:

Babalik ka rin!

DPS, MA-EPAL

SA TRABAHO

NG HAWKER’S

BIGO ang Department of Public Services (DPS) na masolusyonan ang sangkaterbang basura sa mga lansangan sa Lungsod ng Maynila.

Kaya pala ganito ay dahil mas inaatupag pa ng grupo ni Ms. Lillybelle at amang si Che Borromeo ang operasyon laban sa umano’y mga naglipanang illegal vendors sa Lungsod.

Abala pala sa kuwarta!

***

SA totoo lang nalilito na ang vendors kung sino ang susundin dahil pinapalatag sila ng Manila Hawker’s Division na magtinda sa bangketa, basta magbabayad lamang ng hawker’s fee, samantala ang gawain ng DPS ay ligpitin, palayasin at itaboy sila sa lansangan.

Minumura tuloy ang dating Pa-ngulong Erap ng mga naaaping vendors dahil sa kagagawan ng mga damuhong tauhan ng mag-amang Borromeo.

Alam n’yo ba ito, Pangulong Erap?!

***

DAPAT e-identify ang tunay na gawain ng DPS, tagalinis ba sila ng basura o tagahakot ng mga gamit ng vendors?! Lumalabas kasi na ume-epal sila sa trabaho ng Hawkers.

Nagbabayad kasi ng mahigit P600 kada buwan ang mga vendors para sa 1.5 metro kuwadro, bukod pa rito ang P20 singil araw-araw sa Hawker’s. Pero kapag nagsagawa ng clearing operation kuno ang DPS, layas sila sa lugar.

Nagpapatimbre lang ba ang mga taga-DPS? Ano sa palagay mo DPS-Dist. III chief Fernando Luga este Lugo?!

MPD STATION 2, 11 AT 7,

INUTIL SA TALAMAK

NA HOLDAPAN!

LAGANAP talaga ang holdapan sa Divisoria. Hindi na ito mapigilan ng mga awtoridad. Mas lalong magiging grabe ang krimen sa pagdagsa ngayon ng mga mamimili ng mga school supplies para sa darating na pasukan.

Tatlong estasyon ng pulisya ang natukoy na may crime prone areas sa kanilang nasasakupan. Ito ay ang MPD Station 2, 11 at 7.

***

SA talaan mismo ng Manila Police District (MPD), umabot sa 36 kaso ng robbery holdup ang naiulat mula noong Disyembre 2013.

Ang tanong anong ginagawa ng pulisya? Bakit patuloy na nangyayari ang mga ganitong uri ng krimen sa Divisoria.

Bakit nga ba MPD Station 2 chief, P/Supt. Jackson Tuliao?!

***

KALAHATI naman ng Divisoria ay nasasa-kupan ni P/Supt. Raymund Liguden, Commander ng MPD Station 11.

Ganoon rin katalamak ang snatching at hol-dapan sa area ng Juan Luna, Binondo hanggang sa paligid ng 168 Malls, 999 Malls, Lucky Chinatown at iba pang matataong lugar.

Anyare, P/Supt. Liguden?!

***

HINDI ka man maholdap sa pamimili mo sa Divisoria, tiyak naman na mabibitag ka sa pag-uwi mo mula sa matitinik na snatcher at holdaper sa kahabaan ng Abad Santos Avenue.

Laganap ito sa mga pampasaherong dyip at mga pedicab na nariyan, mula sa Antonio Rivera, Quiricada, Bambang, Tayuman hanggang sa riles ng Blumentritt na nasasakupan ng MPD Station 7

Susme, P/Supt. Frumencio Bernal, kilos-kilos din pag may time!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *