Friday , November 22 2024

Lumang bahay sa panaginip

Gud day Sir,

Ask ko lng po meaning ng pnginip ko…umuwi dw ako s lumang bhay nmin s mandaluyong…den pgakyat s 2nd floor dretso ako s room pra mkita anak ko…pro bglang bumaba ang mami ko ksma anak ko at ang daddy ko n 8yrs ng patay…pro not exactly n kitang kita ko ang daddy ko bsta cgaw lng dw ako ng cgaw ng “daddy” pra pgbuksan ako ng pinto ng kwarto…then pglabas nla ng haws pti main door nilock nla…i just heard my mom and dad laughing…cgaw prn ako ng cgaw ng daddy…til d ko na sila maaninag s bintana…then hinanap ko ibang gmit ko pra kuhain…after po nun ngcng nko…ano po b ibig sbhin ng panaginip ko?thanks so much ang more power…God bless… (09234704330)

To 09234704330,

Kapag nanaginip ng lumang bahay, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka rati mag-isip o makadama. Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking. Sakali namang nakita sa panaginip na nasira o may damage ang inyong tahanan, indikasyon ito ng iyong pag-aalala sa ka-lagayan at kondisyon ng inyong tahanan sa estadong ikaw ay gising o sa totoong sitwasyon.

Ang panaginip mo sa dad mo na 8 years nang patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss. Maaari rin namang ito ay isang paraan din ng iyong subconscious upang maresolba o maibsan ang pighati para sa mga pumanaw na malapit sa iyo at ang panaginip mo ay nagsisilbing outlet. Posible rin naman na nagpapahiwatig ito ng mga bagay na binibilin ng tatay mo sa iyo noon na hindi mo naisasakatuparan. O kaya, may mga suliranin o misunderstanding sa pamilya na dapat ninyong ayusin at ang tatay mo ay nagiging paalala ng mga bagay na sumisimbolo sa inyong pamilya at sa inyong dapat na pagkakaisa.

Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Ang bukas na pinto ay nagsasaad din ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsa-sabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkaka-taon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad. Kaya dapat kang maging alisto at mag-ingat sa ganitong klase ng tao.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *